Jarin pinatutsadahan si Ayo

Simula pa noong u­nang taon nila sa NCAA at nang mapunta sila sa UAAP ay pala­ging angat si UST head coach Aldin Ayo kaysa kay NU head coach Jamike Jarin pagdating sa winning record.

Ngunit ngayong season ay nakadalawang panalo na si Coach Jamikea pati ang NU laban kay Ayo, kabilang na rito ang 69-61 na tagum­pay laban sa UST nitong Linggo sa FilOil Flying V Arena.

Sa kabila nang 2-0 na record ni Jarin laban sa dating coach ng Letran at La Salle ay hindi niya iniisip na sila ay maigting na magkaribal.

“It’s never about Aldin Ayo and Jamike Jarin. We’re just two coaches that found a way to compete in NCAA and UAAP, and we’re never gonna be bigger than that,” wika ni Jarin.

“He’s my dancing­ partner we’re just two coaches that likes to compete against each other.”

Bagama’t pinuri ng dating San Beda coach si Ayo ukol sa kanilang laro, tila may pahabol pa siyang sinabi tungkol sa kanya.

“Ayo is a nice guy, I’m the nicer guy. He is good-looking, but I’m more good-looking,” biro ni Jarin.