Jash sabik sa beach

NI: NONIE V. NICASIO

Malakas ang arrive ng model-beauty queen na si Jash Dimaculangan.

Base sa kanyang Instagram post, masisilip dito ang kanyang ganda at kaseksihan. Kahit naka-side view, kitang-kita ang umaapaw na sex appeal niya.

Ang 24 year old na Bicolana ay itinanghal na Daragang Magayon 2019. Marami rin ang nagsasabi na si Jash ay look-alike ng Miss Universe 2018 na si Catriona Gray.

Ang dalaga ay sasabak sa darating na Binibining Pilipinas 2020.

Sa kanyang IG post, aminado si Jash na isa siyang beach baby.

“Would always crave days where I’m surrounded by salt water and got sand in my hair. Forever a beach baby. But for now, as the mid month is fast approaching, let us be more strict with ourselves when observing ECQ rules and regulations. Konti nalang! Sana malapit ng matapos to! Hehe. Stay safe guys.”

Ang babaeng tulad ni Jash ay kayang painitin ang sinumang barakong makakasilip ng kanyang alindog.

Maraming kalalakihan ang mababaliw kay Jash kapag pinagsama ang kanyang maamong mukha at makatulo laway na kaseksihan. Ang tipo niyang babae ay isang primera klaseng inspirasyon sa mga lahi ni Adan.