HAVEY: Hindi pa man nagsisimula ang actual grind at shooting ng pelikula ni Richard Gutierrez sa Star Cinema (film arm ng ABS-CBN), malakas ang balita na papasok si Chard sa Kapamilya teleserye na La Luna Sangre.

Hindi alintana ni Chard na ang bida ng teleserye ay sina ­Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Mas realistic at praktikal na desisyon iyun na sa wakas, mas mapapanood na naman at magiging ­visible siya sa kanyang Kapamilya exposure.

At maaaring hindi lang sa ­pelikula niya makakasama ang ­dating partner na si Angel Locsin.

Balitang may paunang labas ang karakter ng mga dating Lobo stars sa bagong La Luna Sangre.

Mabuti na lang, hindi makakabangga ni Chard ang dati niyang teleserye na Mulawin years ago (na ngayo’y Mulawin vs. Ravena na) dahil bali­tang sa second teleserye slot ilalagay ang Kath­Niel teleserye after FPJ’s Ang Probinsyano.

Sana, with Chard’s entry to the ­Kapamilya fold, he will also gain ­respect as an actor and win acting awards, just like what Star Cinema did to Dingdong Dantes’ career when he did Kapamilya projects.

***

WALEY: Unang napa­balita na magsasama sana sila sa isang teleserye ni Aljur Abre­nica na malabo nang mangyari.

Tapos, napabalita rin na kasama siya sa monu­mental project na Mulawin vs. Ravena.

Naihayag na ang cast at palabas na iyun mamaya pero hindi pa rin kasali si Jasmine du’n.

Jasmine Curtis-Smith
Jasmine Curtis-Smith

Natapos na ang season ng kanyang TV5 ­Digital show kaya libre na si Jasmine na magteleserye lalo pa’t kinilala na ang galing niya sa pag-arte.

Who could be ­Jasmine’s possible Kapuso partner kaya? Dapat isang Kapuso star na magaling ding umarte!

My wild guess and prayer, dahil tapos na ang Encantadia, baka puwedeng mag-work ang Jasmine-Rocco tandem.

Puwede ring isama si Alden ­Richards since OK rin naman sila sa pelikulang Imagine You and Me.

Aminin, may kakaibang premium na dala si Jasmine sa kanyang pag-o-ober da ­bakod!

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iam­noelferrer.

2 Responses

  1. hahaha!! ano nmn premiu ang pinaglalagay mo? jasmine is almost like her sister…lame actor wala ng bago p…she nothing but look and no acting prowess gets mo hahahaha!! pls lang tama ang mga pralala mong wlang kwenta dhil mga alaga mo starlets parin ngayn hahahaha!!

  2. hahahaha!! O what a piece of garbage again Mr. Ferrer!! grabe umaasa k pa talgang magkacareer ang has been actor n c Retchard hahahahaha!! ang awards ng mga artista ng brand x lahat ng awards may presyo tanong mo kay Sucaldito?? ang kay DD nmn kc gumawa sya ng movie s brand x n ang mga hurado associated s brand x n gaya mo hahahahaha!! 2017 n Mr. Ferrer baguhin mo n ang syle ng write up mo nde lahat bias hahaha!!! congrats s movie ng alaga mong c Iza!! certified flop hahahaha!!!