Jasmine ligtas sa panlalait

Huhusgahan na ngayong gabi si ­Jasmine Curtis Smith dahil kasama siya sa pagsisimula ng dramedy ng GMA 7, ang ‘Pamilya Roces’. Matatahimik na rin ang mga bashers niya simula nu’ng mapaba­litang ipa-partner siya kay Alden Richards. Ligtas na siya ngayon sa panlalait dahil may sarili siyang show.

Ang ‘nakakalokang’ debut ng Pamilya Roces sa GMA Telebabad ay tinatampukan din nina Roi Vinzon, Gloria Diaz, Elizabeth Oropesa, Snooky Serna, Carla Abellana, Christian Bautista, Gabbi Garcia, Rocco Nacino, ­Shaira Diaz, Mika de la Cruz, Sophie Albert, Ana Roces, ­Shaira Diaz, Andre Paras at Manolo Pedrosa.

Ang Pamilya Roces ay pagbabalik ni direk Joel Lamangan sa Primetime. Pilot telecast ngayong­ gabi pagkatapos ng ‘Onanay’.