Magsasama sa kauna-unahang pagkakataon sina Jasmine Curtis at Ruru Madrid sa mainstream movie na “Cara X Jagger”. Ito ay prodyus ng APT Entertainment at Cignal TV.

‘Di malilimutang love story ang pelikulang ito. Naka-sentro kina Cara (Curtis) at Jagger (Madrid) – na isang dating magkasintahan na haharap sa isang matinding paghamon at kumplikasyon sa susubok sa kanilang pag-iibigan.

Bagamat 7 taon ang hinintay ni Jasmine para magbida sa isang mainstream bilang isang lead actress, worth the wait naman para sa kanya ang “Cara X Jagger”.

“It’s a very different kind of love story,” sabi ni Jasmine. “Kahit na kakaiba ang conflict nina Cara at Jagger, their story still represents what love is all about which is loving someone unconditionally and moving on kahit na gaano ka-painful ang isang relationship.”

Ikinuwento rin ni Jasmine ang kanyang experience sa shooting ng naturang pelikula at kung gaano siya ka-excited. “We have worked so hard to make ‘Cara X Jagger’ an unforgettable movie. I am humbled and inspired by our team at ready na ako sa pag-promote ng pelikulang ito,” lahad niya.

Sey naman ni Ruru: “Dream come true po ito.”

“Excited at kinakabahan po ako. Matagal ko na pong pangarap na makatrabo si Jasmine dahil naniniwala po ako na isa siya sa pinakamahuhusay na aktres ng kanyang henerasyon,” sambit pa niya.

Malalagpasan kaya nina Cara at Jagger ang kakaibang problema na kanilang hinaharap na maaring buuin o wasakin ang kanilang relasyon? Kaya nga ba talaga ni Cara na makalimot at mag-move on? Makukuha bang muli ni Jagger ang kanyang memorya upang maitama niya ang kanyang mga pagkakamali?

Tampok din sa pelikula sina Dante Rivero, Dino Pastrano, Gabby Padilla, Miko Raval, Kenneth Medrano, Michelle Dee, at Sophie Albert. Showing ito sa Nobyembre 6. (Roldan Castro)