tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioAnd the saga continues, and how? Matapos magdabog ang bangs ng mga kapulisan, may isang ahensya ng mga abogado, pati na rin ang isang kagawaran na nagbabanta na may mga aksyong legal silang gagawin kung ang top rating na “FPJ’s Ang Probinsyano,” hindi babaguhin ang plot tungkol sa mga men in uniform.

Wala bang ibang mas importanteng gawain at problema ang mga ito na dapat ayusin at itama kesa pagdiskitahan ang isang palabas sa telebisyon na kathang-isip lamang?

Marami pa ring mga namamatay dahil sa tokhang. Sangrekwa pa rin ang mga kasong hindi matapos-tapos, hustisya at katarungang mailap, mga kawani, lider at pinuno na may lantarang corrupt practices, pang-aabuso sa kapangyarihan, pagsasambit ng mga iresponsableng pananalita at wala sa hulog na mga posisyon pero bulag, pipi at bingi ang mga dapat mulat na mulat tapos sa isang programa, nagkakagulo, sakit-sakit at dumurugo ang inyong mga balat-sibuyas?

May panahon kayong busisiin at panoorin ang isang palabas na kathang-isip pero ang mga problemang hayag at lantaran, papetiks-petiks kayo?

Hindi ba nakakarindi at nakakaduwal na you have made “Ang Probinsyano” your scapegoat? Mga sir, mga madam, kung matino kayong lahat at talagang serbisyo publiko in the truest sense of the word ang inyong ginagawa, hindi kayo maapektuhan, hindi kayo masasaktan sa inyong mga pinapanood.

At walang kahit na anong kagawaran ang dapat na maging sensura sa mga likhang kathang-isip dahil lang sa nasasaktan ang kanilang mga collective ego at pride. Ayaw niyong presented kayo in a bad light, then do your jobs not only well, do your best!

Juice colored! Ang dami niyong puwedeng pagkaabalahan sa totoo lang at huwag niyo na hintayin pang magbilang ang mga sumusuporta at nagmamahal sa “Ang Probinsyano” kung ano-ano ang hindi niyo ginagawa.

Kahit saan anggulo tingnan, sa true lang, atat na atat kayo sa publicity. Akala niyo naman you are doing this republic proud by doing this.

Kung may panahon ka­yong manood ng mga palabas sa telebisyon, dapat marami kayong panahon na ginugugol para iwasto ang mali at bigyang solus­yon ang kanser sa lipunan na apektado ang lahat.

Kaya nga pinupuri ko si Jasmine Curtis Smith sa kanyang social media post na, “First was Goyo and a politician. Now it’s a TV series and the PNP. Authorities want tv and film to show ‘better’ things about them…… Hah.”

Her heart and mind is truly in the right place. Mabuhay ka, the Curtis who can act! Mas marami pa sanang mga artista ang maging vocal sa kanilang mga opinyon patungkol sa ginagawang maging punching bag at cover up ang show ni Coco Martin para itago ang kanilang mga kakulangan sa pagiging serbisyo-publiko.

***

Jak banong umarte, katawan ang panlaban

On a better subject matter, kaya karamihan sa mga bekibel ay super kalmado kasi nga, itong si Jak Roberto walang halong pag-iimbot at buong katapatang inamin sa isang pahayag na hindi niya naiisip tumigil sa pagpapakita ng hubad barong katawan sa mga project or show.

Yes, there can be miracles, if you believe! Hindi ipagmamaramot ni Roberto ang borta niyang katawang pangromansa.

Choosy pa ba tayo? Ang kanyang paghuhubad baro hindi niya aalisin kasi nga, ayon sa kanyang paha­yag sa panayam. “Du’n ako nakilala.”

Alam niyang darating din ang panahon na magsasawa ang mga tao sa hubad baro exposures niya at husay naman niya sa pag-arte ang hahanapin.

Ang suhestiyon ko naman kay Jak, dahil nga mukhang matagal pa naman ang panahon na matuto siyang umarte, maliban sa paghuhubad para hindi maumay sa mga tigasin niyang tiyan, itodo na niya. Power combo na, hubad at hubo, ipakita na ang taglay na pambihira, ang tigasing ugat at ang nagngangalit na ulo. Para maiba naman at para mas masaya at ­exciting! Hahahaha!