Ang mahusay na aktres na si Jasmine Curtis Smith, hindi napigilan ang sarili na talakan ang biglang naging the WHO no more na si YV na Eric Chongco ang tunay na ngalan.
Suklam na suklam si Bb. Smith sa mapanirang puri at nakakasakit na “rap number” nitong si Chongco na ang pamagat ay “Awit May Lawit”.
Ang nakapanginginig na letra: “May nakilala ako sa bar kagabi, ang ganda niya pero parang mali. Nung dumikit meron akong napansin na napakalupit, awit may lawit,” at pagkatapos ng rap, may panlilibak siyang pagsigaw. Kung papanoorin niyo ito, may curse words at ginawang “katatawanan” ng kanyang mga kaibigan ang kanyang pagsasayaw kasama ang isang transgender.
Dahil dito, ang major, major reaction ni Jasmine: “Ano ang problema mo sa magagandang may lawit? Ikaw ang may mali. Mag 2020 na soon. Tigilan na yang pagkakitid ng utak, please.”
Inilalambing ni Smith na i-report ang “BS” na ito ni YV sa pamunuan ng Twitter para mabura ang bidyong mapangutya.
Siyempre pa, feel na feel ni YC ang kanyag 15-minutes of infamy, huh. Nagpaumanhin na ito: “My recent video drew a lot of attention recently for the right and wrong reasons. I want to apologize to anyone I have offended with my lyrics for the video. At the time, it seemed like a small thing to mention but I have recently found out how much my words can personally affect other people. For this, I am sorry.”
Sa true lang, isa na naman itong patotoo na may mga tao talagang feeling “entitled” at hindi pa rin alam ang katotohanan na dapat one must “think before he clicks,” salita man o bidyo.
Maaaring sa iyo, lalaking the WHO no more it was just you, expressing how you feel and you had your fun. Sana nga, sinsero ang paumanhin mo.
At sa susunod, kesa paglaruan mo ang lady boys in our midst, mas mainam siguro na you get to know or befriend one before you judge them because of an obvious anatomical part.