Ni  Archie Liao

Nilinaw ni Jasmine Curtis-Smith na wala siyang balak na gayahin ang kanyang ate Anne.

May mga umuugong kasing balita na balak na rin daw niyang magpakasal sa boyfriend nitong si Jeff Ortega.

“No, it’s not true. Marami pa akong trabaho at commitments na dapat gawin,” bulalas niya.

Hindi rin daw totoong naiinggit siya sa kapatid kaya gusto na rin niyang sundan ang yapak nito para mag-asawa.

“I still have many plans for myself and I think, I’m not ready for that yet,” esplika niya.

Tungkol naman sa umano’y paglipat niya sa Singko papuntang GMA-7, happy daw naman siya sa kanyang naging desisyon.

“I do not regret sa naging desisyon ko,” pakli niya. “I think, I’m home with GMA-7,” lahad niya.

Nalungkot naman siya sa pagwawakas ng kanyang teleseryeng “Pamilya Roces”.
“Siyempre, may mga nabuo na rin kaming bond sa set,” pagwawakas niya.