Umani ng samu’t saring reaksyon ang photo ni Jasmine Curtis Smith kasama ang kanyang ate Anne Curtis sa kanilang weekend getaway sa La Union.

Maraming nag-like sa kanilang picture together pero hindi rin naiwasan ang mga netizen na mag-react at ikumpara sila sa isa’t isa.

Tulad ng dati, hindi nakaligtas sa mga batikos ang kapayatan ni Jasmine.

Sey ng mga trolls, anorexic beauty pa rin daw ito.

Wala raw itong sinabi pagdating sa “It’s Showtime” host na kahit may asawa na ay name-maintain pa rin ang kanyang sexy figure.

May ilan namang nagkomento na dapat daw ay mag-double time si Jasmine para makahabol sa kaseksihan ng kanyang ate. (Archie Liao)