Jason Derulo bet si Selena Gomez

Single at ready to mingle ang status ni Selena Gomez. Mukhang bet pa ng singer na si Jason Derulo na maka-date siya. Kamakailan ay tumawag si Jason sa Capital FM radio show para humingi ng advice kay Selena.

Tinanong niya kung ano ang best way para i-approach ang isang babae at kung ano ang dapat gawin sa una nilang pagkikita. Hinala ng iba na baka ang katanungang ito ay para talaga kay Selena.

Ang payo ni Selena, “I like group situations. So, I find that that’s what makes me comfortable, if they’re someone maybe I know.”

Sinabi pa niya na nalalaman niya kaagad ang motibo ng isang tao kung bakit nais siyang gustong makilala kaya importante sa kanya na totoo ang isang tao.

Kung sakali mang manligaw sa kanya, nais niya na napapatawa siya nito. Aniya, “I love funny, I don’t like arrogant. I don’t like show off-y. I love playful and adventurous but down-to-earth and cool.”

Ang paraan ng pag-approach sa kanya? Nais ni Selena na interesado sa kanya hindi dahil sa pangalang dala niya. (Ronaline Avecilla)