Jason, INGGIT kay Patrick

Jason Abalos

MAGKASAMA sina Patrick Garcia at Jason Abalos sa huli nilang Kapamilya teleserye na Two Wives at ngayon ay magkasama sila ulit sila sa bagong morning series na Langit Lupa.

Kaya biro ni Patrick, hinintay niya talaga si Jason. Hindi raw siya magtatrabaho kung hindi niya kasama si Jason.

Ang totoo ay hindi mapili sa roles si Patrick. Kung anong dumarating sa kanya ay ‘yun ang tinatanggap niya.

Hindi niya pinipilit kung walang project para sa kanya ang ABS-CBN because that means more time for his family and for his business.

Tatay na tatay na si Pat, na tatlo na ang anak (kasama ang panganay niyang si Alex Jazz na si Jennylyn Mercado ang ina).

Sey ng guwaping pa rin at baby-faced na si Patrick, nakakatulong na tatay na siya in real life dahil kahit off cam ay mas nakaka-relate na siya sa mga batang co-stars niya sa Langit Lupa.

“I know how to play with them, to talk to them and to make them aliw in between takes para ma-focus sila. So, in a way, it helps being a father also,” pakli ng 35-anyos na aktor.

In fairness ay nagkikita sila ng anak niyang si Jazz at pumunta siya nu’ng pumanaw ang madir ni Jen kamakailan na si Mommy Lydia Mercado.

Si Jason Abalos ay ­father role na rin sa ­Langit Lupa kahit in real life ay wala pa siyang asawa’t anak.

Mahilig sa bata si ­Jason sa totoong buhay, kaya naiinggit siya kay Patrick at sa iba pa niyang kaibigan na married na with children.

Feeling niya, sa edad niyang 31 ay nasa edad na siya para maging isang ama.

Kaya lang, ang sabi sa amin ni Jason ay bata pa girlfriend niyang si Vickie Rushton at marami pa itong kailangang gawin sa buhay.

24-anyos lang si Vickie, na bulag ang ina at may special child na kapatid, na responsibilidad nito.

“Kasal muna!” ang nakangiting sagot ni Jason nang hiritan naming mag-baby na siya para hindi siya naiinggit sa father friends niya.

Nu’ng Lunes nagsi­mula ang Langit Lupa sa Kapamilya Prime Tanghali bago ang It’s Showtime.