Nag-viral ang video ng Kapus­o actor na si Jason Abalos. Sumaglit siya sa Araneta Center lulan ng kanyang motorsiklo para suportahan ang kanyang girlfriend na si Vickie Rushton. Pumarada kasi ang mga kandidata ng 2019 Bb. Pilipinas na kasali ang GF niya.

Marami ang natuwa sa suportang ipinakita niya kay Vickie. Sa ikala-wang pagkakataon ay kasali muli ang nobya niya sa nasabing beauty p­ageant.

Meron lang ibang mga netizen na naloka dahil nakatakip ang mukha ni Jason habang sakay ng motor.

Sey tuloy ng ilang kibitzers, takot daw ba siyang makilala o kuyugin ng mga fan? Bakit daw kailangan pang mag-undercover nito para aba-ngan ang dyowa sa pagitan ng General Roxas Avenue at Times Square Avenue at saka i-post pa ito sa kanyang social media account?

Ilan namang bitchy trolls ang nagsabing hindi naman daw siya superstar para pagkaguluhan.
Napapanood ngayon si Jason sa seryeng “Bihag” ng GMA-7. (Archie Liao)