JASON AT VICKIE, NANAHIMIK SA SEXUAL HARASSMENT

Vickie at Jason

HAVEY: Bongga ang storycon ng Book 2 ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Naging sentimental ang tagapamuno ng top-rating and most awarded teleserye ngayon dahil ang layo na ng narating ng programang ito na pinangungunahan ni Coco Martin mula nang magsimula ito two years ago.

Mainit na winelcome ng grupo ang mga bagong myembro ng cast kabilang sina Senator Lito at Mark Lapid, Angel Aquino, Mitch Valdes, Jhong Hilario, Ejay Falcon, Pokwang, at Gary Lim.
Tumawid at bumalik sa pagiging Kapamilya sina John Arcilla at Sid Lucero na katatapos lang ang shows sa Kapuso network.

Magandang abangan how this new cast will fare against the new GMA 7 teleserye na Mulawin vs Ravena na magsisimula bukas.

Dahil parehong pinagaganda ang kani-kanyang mga programa, ultimately, ang panalo rito ay ang audience.

***

WALEY: Nag-trending si Jason Abalos sa balitang isang 17 y/o netizen ang nag-akusa sa kanya na sinexually-harass siya ni Jason.

Vickie at Jason
Vickie at Jason

Nananatiling tikom ang bibig ni Jason at ng girlfriend nito na si Vickie Rushton (ex-PBB Housemate) ukol sa isyu.

Hahayaan na lang nila na ang abogado ang humarap at mag-take ng legal action.

Nais naming makuha ang panig ng aktor na walang ibang kailangang harapin kundi ang kanyang pamilya at si Vickie na nasa Bacolod daw ngayon.

As for this 17-year-old La Salle student na ngayo’y sexually-harrassed umano, sana ay mapatunayang wala siyang bahid at hindi sumasakay lang sa isyu.

May the truth and the whole truth come out.

***

HAVEY: Congratulations kay Ai Ai delas Alas sa matagumpay niyang pelikulang Our Mighty Yaya na kumita raw ng P35M sa kanyang first week run.

Napakaganda ng gesture nina Ai Ai at Direk Joey Reyes sa pagsuporta sa pelikulang BLISS ni Iza Calzado na unti-unting ibinabalik sa mga sinehan dahil sa magandang word-of-mouth.

***

WALEY: Hindi naglabas ng figures ang pelikula ni Jodi Sta. Maria na Dear Other Self na sana ay lumakas ang box-office showing ngayong weekend.

Sayang….

Maayos pa naman ang pelikulang ito.

***

HAVEY: Grabe ang demand sa tickets at passes para sa silver anniversary ng Star Magic sa ASAP ngayong 11:30 AM sa ABS-CBN.

Palakasan ng hiyawan at kabugan ng mga suot at production numbers ang mga artista sa Araneta Coliseum mamaya.

Pangungunahan ito nina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales, at Piolo Pascual, plus the love teams of Liza Soberano & Enrique Gil, Janella Salvador & Elmo Magalona, Julia Barretto & Joshua Garcia, Kim Chiu & Gerald Anderson, and Kathryn Bernardo & Daniel Padilla.

May moment din sina Maja Salvador, Maris Racal, Kira Balinger, Loisa Andalio, Pokwang, Maymay Entrata, Alora Sasam, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Jolina Magdangal, Nash Aguas & Alexa Ilacad, Grae Fernandez & Andrea Brillantes, Bailey May & Ylona Garcia, Mccoy de Leon & Elisse Joson, Jameson Blake, Edward Barber, Kisses Delavin, at Marco Gallo.
Two-part bale ang selebrasyon sa dami ng taga-Star Magic… 100+!

Kasama pa rin sa kasiyahan sina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Sarah Geronimo, at Toni Gonzaga.

Tingnan natin kung sinu-sino ang in at out, pati na ‘yung mga eeksena sa programa mamaya.

***

WALEY: Nakikiramay kami sa mga naulila ng programmer ng Busan International Film Festival na si Kim Ji Seok na nagbigay-daan sa maraming Filipino films na mabigyan ng puwang at makilala sa buong mundo.

Condolences din sa pamilya ng kaibigan na­ming si Anna Dasig sa yumao niyang ama.

Si Anna ay tested nang kaibigan nina Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, at Sarah Geronimo, na isang loyal at tapat na nagmamalasakit sa kanila.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.