Javee Mocon mas maangas ngayon

Palagiang contender ang Rain or Shine sa PBA, pero laging tumutukod pagdating ng second round ng playoffs.

Nitong 2019, No. 2 sila sa Philippine Cup at tinalo sa quarterfinals ang No. 7 NorthPort pero sinipa ng Magnolia sa pitong laro sa semifinals.

Sa Commissioner’s Cup, No. 6 ang Elasto Painters at tinalo sa tatlong laro ang No. 3 Blackwater sa quarters pero tumaob sa San Miguel sa semis.

Nalaglag lang sila sa Governors Cup nang mag-No. 9 pagkatapos ng eliminations.

Babawi ang Elasto Painters ngayong season, ayon team manager Atty. Mert Mondragon. Lalo sa maagang exit nila sa season-ending tournament.

“Kakahiya nangyari sa amin last conference,” anang team governor din. “Now we are ready. Last season nag-trade kami ng tatlo, kumuha kami ng four rookies. Sana magpatuloy.”

Sa Draft noong December, namakyaw ang RoS at may apat na rookie sa lineup – sina Adrian Wong, Prince Rivero, Clint Doliguez at Vince Tolentino.

Halo ng mga newbie at veteran ang Elasto Painters ni coach Caloy Garcia.

Papasok sa kanyang sophomore year si Javee Mocon bitbit ang maa­ngas na performance sa kanyang rookie year.

Maaasahan pa rin sina Rey Nambatac, Gabe Norwood, James Yap, Beau Belga at bagong dating na si Ryan Arana. May Mark Borboran at Norbert Torres pa.

“The four new guys and Ryan, they still have to adjust to the way we play,” ani Garcia sa kanyang new additions. (Vladi Eduarte)