Pinahanga ni Javi Benitez ang movie press na dumalaw sa shooting ng pelikulang “Kid Alpha One” sa Tanay, Rizal. Hindi siya nagpa-double sa kanyang death-defying stunts. Nagpagulong-gulong siya sa putikan at wala siyang paki na magkagalos sa maaksyon niyang eksena.

Rebelasyon si Javi sa kanyang movie na mala-Hollywood ang dating. Marami siyang buwis-buhay na eksena.

Tinanong nga si Javi kung bakit kailangan pa niyang gumawa ng proyekto na mapuputikan, masasaktan, masusugatan siya samantalang anak-mayaman siya. Anak siya ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez.

Nag-i-enjoy raw siya sa ginagawa niya. Kakaiba raw ito. Itinuturing din niya na part ito ng kanyang trabaho. Kumbaga, nakakadama siya ng satisfaction.

Kapareha ni Javi si Sue Ramirez sa nasabing pelikula.

Mainit ba at maaksyon ang kanilang lampungan sa movie?

“We’re professional naman when it comes to love scenes. Actually, nu’ng unang kinunan, maraming tao, hanggang sa sinabi ni Direk na ‘O, bawas tayo ng tao,’ ‘yung kami na lang. Okey naman. I did take good care of Sue naman sa scene namin,” kuwento ni Javi.

Tumatawa lang siya kung posible silang ma-develop ni Sue dahil single ngayon ang huli.

Anyway, kasama rin sa pelikulang “Kid Alpha One” sina Christopher de Leon, Tonton Gutierrez, Juan Rodrigo, Joross Gamboa, Jeffrey Tam, Bryan Revilla at Carla Humphries. Ito ay sa direksyon ni Richard Somes.

Loonie ipinagtanggol ni Khen Magat

Bilib kami sa fliptop rapper na si Khen Magat dahil isa na rin siyang record producer. Maraming talent siyang tinutulungan.

A Tune Music ang tawag sa kanyang talent agency at record label. Kasabay niyang ipinakilala sa press ang Kapuso child star na si Aliah at si Shane. Pasabog ang husay ni Khen sa pag-rap, ganoon din ang “Wag Ako” ni Shane.

Aminado si Khen na malaki ang utang na loob niya kay Andrew E. Halos ito na ang nakasama niya sa kanyang singing career.

Ipinagmamalaki rin niya ang kanyang advocacy para sa “drug-free” rap and fliptop world.

Dahil dito, kinunan siya ng reaksyon sa pagkakasangkot umano sa droga ni Loonie.

Idiniin ni Khen na hindi siya naniniwalalang drug pusher ang rapper.

Pero makahulugan ang sinabi niyang marami siyang nakikita na hindi nakikita ng mga pangkaraniwang tao, “Kaya lagi akong talo sa fliptop battle ay dahil wala akong bisyo,” deklara pa niya.

For inquiries kay Khen at sa mga talent niya, mag-email sa atunemusicphilippines@gmail.com.