Nagkakrus na naman ng landas ang dating magkarantso noon sa Toyota at naging mortal na magkaaway pagkaraan sa pagkadisbanda ng nasabing koponan na sina Robert Jaworski at Ramon Fernandez.

Hindi pa rin magkasundo ang dalawa maski sa panonood kagabi ng Game 4 43rd PBA 2017-18 Philippine Cup best-of-7 semifinals series ng Ginebra at San Miguel.

Bisita si Fernandez, 64, ni league commissioner Wilfrido Marcial at nasuporta sa pinaglaruan niyang San Miguel Beer. Kasama niya ang kapwa Philippine Sports Commission commissioner na si Charles Raymond Maxey.

Si Big J naman, 72, nagtsi-cheer para sa nilaruan din at dating siya ang coach na Gins.

Bilang mga sibil, nagbatian, nagkamayan at nag­yakapan ang dalawa sa Smart Araneta Coliseum-QC na kinasaya ng mga miron. Wagi ang Gin Kings a Beermen, 102-81.