Pinangunahan ng alamat na si Robert Jaworski at ilang dating miyembro ng national teams ang special send-off sa Team Pilipinas Miyerkoles ng tanghali sa Meralco gym.
Pampalakas-loob ng Nationals sa pagsabak sa dalawang laro sa fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa MOA Arena kontra Kazakhstan sa Nob. 30, at laban sa Iran sa Dis. 3.
Dumating sina Olympians Rafael Hechanova (1952 Helsinki), Antonio Genato (1952 Helsinki, 1956 Melbourne), Ed Roque (1960 Rome), Arturo Valenzona (1964 Tokyo), Jimmy Mariano (1968 Rome), Marte Samson (1972 Munich), at Manny Paner (1972 Munich).
Si Chito Loyzaga ang kumatawan sa kanyang amang si Caloy (1952 Helsinki at 1956 Melbourne), si Dickie Bachmann sa kanyang amang si Kurt (1960 Rome).
“We know we would not be here kung hindi po doon sa mga trailblazer natin who paved the way for us to be here,” pagsaludo ni national coach Yeng Guiao sa sumuportang basketball greats. “Maraming salamat po sa pagpapalakas sa aming puso.”
Sina Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio at executive director Sonny Barrios ang nag-welcome sa team at sa special guests na kinabilangan din nina San Miguel governor Robert Non, Ginebra governor Alfrancis Chua at PBA commissioner Willie Marcial.