Pararangalan ni Barangay Ginebra San Miguel legend Robert Jaworski, Sr. ang magkakampeon sa Ginebra 3×3 Tapang ng Tatluhan Men’s Basketball Tournament 2019 sa darating na Linggo, Hulyo 7 sa Araneta Coliseum sa Quezon City.
Mabibiyayaan ang mananalo sa kauna-unahang nationwide grassroots basketball program ng Ginebra San Miguel at ng Philippine Basketball Association (PBA) nang tumataginting na P250,000 at tropeo.
Misyon nitong humanap ng basketball talents sa bansa dahil mahalaga na ang 3×3 event na kasama ng medal sport sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.
Nasa 16 teams mula sa Manila, Cebu, Davao, Caloocan, Quezon, Iloilo, Bulacan, Cagayan de Oro, Tarlac, Cavite, Samar, Rizal, Pangasinan, Batangas, Bataan at Pampanga ang mga maglalabo-labo sa national finals sa Hulyo 5 sa Robinsons Place sa Ermita.