Hiningan ng sagot si Jaya kaugnay sa mga pasabog ng kapatid niya, pero ayaw na raw niyang patulan pa ito.
Sabi raw ni Jaya, “I will not speak about this matter. I’ll just let her deal with this.”
Ikinuwento rin ni Susan ang tungkol sa koleksyon ng Sto. Niño ng kanilang ina na pinabayaan daw ni Jaya.
Kuwento ni Susan, “Nu’ng namatay si Mama, ang ginawa niya, nilagay niya ang mga aso niya sa bahay ni Mama para hindi kami makapasok.
“And the biggest Sto. Niño, she put it sa bahay ng mga aso niya.”
Hindi na raw niya alam kung saan na ang ibang koleksyon ng kanilang ina dahil pinabayaan na lang daw ito ni Jaya.
Kaya iche-check pa raw niya kung saan na ito nalagay, kung naibigay raw ba ito sa ilang simbahan na sinasabi ni Jaya.
Napuno na raw si Susan kaya inilahad na niya ito lahat, hindi para siraan ang kanyang kapatid.
“I’m sorry. I’m not trying to ruin you or anything. I just want the people to know.
“Kasi, when you start lying, the truth will come out. And I’m sorry that you pissed me off, because I’ve been silent all these years,” dagdag na pahayag ni Susan.
***

MAY binubuong libro para kay Elizabeth Ramsey na ginawa ng anak nitong si Susan Ramsey.
Isa ito sa inihayag sa pagpunta ni Susan ng bansa para ilipat ang labi ng kanyang ina sa Negros Occidental.
Bilang pagpupugay ito sa kanyang ina na nag-iisang Ramsey lang daw sa bansa.
Kasabay ng pag-exhume ng labi ni Elizabeth at inilipat ito sa Negros Occidental, ibinunyag ni Susan ang mga dapat daw malaman ng publiko tungkol sa kapatid niyang si Jaya.
Ani Susan, “It’s just so sad that everything here is all professional. It’s all about fake, about being on TV, loving her mom.
“It’s not all about her. It’s all about my mother. I just want to continue the legacy of my mom.
“But I have to straighten up the stories that she’s been telling lies, and lies, and lies. I’m tired of the lies.
“I’m tired of covering, you know I just want to tell the truth.”
Ang mga pahayag ni Jaya ay pinasinungalingan ni Susan dahil hindi raw siya nagpabaya noong nakaratay pa lang ang kanilang ina.
Dumalaw raw siya rito bago sumakabilang-buhay ang kanilang ina at sinabi raw sa kanya ng kanilang ina na sa bahay niya gusto tumigil dahil mamamatay raw siya agad kung kina Jaya siya.
Nakabalik na siya ng Amerika noong namatay ang kanilang ina, pero hindi raw siya nagpabaya.
“I have all time with my mom. I’m talking to her online, sa telephone na malayo kesa kanya. Nandito siya pero hindi niya nakikita ang nanay niya.
“She doesn’t visit her mom even once a year, even Christmas or Mother’s Day to even greet her Mom in Mother’s Day,” saad pa ni Susan.
Hindi raw niya makalimutan nang inabandona na raw ni Jaya ang apelyidong Ramsey dahil sinabi raw sa kanya na hindi na siya Ramsey, kundi Gotidoc na siya.
Hindi raw siya pinapasok ni Jaya sa bahay dahil hindi raw sila magkapatid, at magkaiba ang kanilang ama.
Dagdag pang rebelasyon ni Susan, “Before, you ignored Ramsey.
“Before Mama died, I introduced her to a show, ano ang sabi niya sa akin? Hindi na ako Ramsey, Gotidoc na ako eh. Really? Now that Mama is dead, you’re gonna use Ramsey?
“Be for real here. Don’t use our mother’s name. You made your name as Jaya? Keep it that way. Don’t use Mama.
“Mama have done her life. Mama made her name as Ramsey. Without her, you would never be Jaya, and you her to die all these years kasi gusto ikaw lang ang maging Ramsey sa Pilipinas.
“So, I wanna make sure that everybody knows that, because I’m tired of all the lies.”
Mas kapani paniwala si Susan. Grabe si Jaya, sa bahay ng aso nilagay ang mga santo Anong klase yan? Kung di niya gusto, eh di sana idinonate na lang niya sa simbahan.
Nakita mo bang nilagay yung Santo sa bahay ng aso?
Hindi ko na kailangang makita dahil hindi gagawa ng istoryang hindi tutoo ang kapatid. At isa pa, ang hangin ba nakikita mo? Eh di hindi rin, pero naniniwala kang may hangin.
Close ka sa kapatid at alam mong hindi gagawa ng istorya? Obviously hindi ka close kay jaya kaya hindi mo nakita. You just based your comment on what you read which falls under hearsay. Your comparison ng hangin and santo is the most stupid comparison I’ve read. I wish you have an iota of brain
I am certain I have more brains than an obnoxious person like you! One does not need to be close to Jaya to give an opinion aboutwhat I read. I will not anymore waste another second to respond to a moron like you!
Obviously you’re pathetic lol. Again whatever you read is hearsay unless you are present when the alleged act happened. Now who is the moron lol