DAHIL sa hindi pa rin maintindihang sakit, hindi na isinama kahapon ni Annabelle Rama si Ruffa Gutierrez sa bakasyon ng kanilang pamilya sa Cebu.

May isang lugar sa Cebu na dinayo ang pamilya Gutierrez para sa kanilang reality TV series na It Takes Gutz to be a Gutierrez na magsisimula nang umere ang 4th season sa Lunes nang 8:30 PM sa E!

Dahil naiwan sa kanilang bahay sa Makati City, natanggap ni Ruffa ang offer na mag-guest kahapon sa taping ng Magandang Buhay ng ABS-CBN.

Hindi na lang nila napag-usapan ng hosts na sina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros ang tungkol sa kanyang mysterious sickness dahil baka magkaiyakan na naman sila.

Anyway, masaya si Ruffa na finally ay natuloy na ang guesting niya sa Magandang Buhay dahil matagal na silang magkaibigan ni Karla.

Isa si Ruffa sa mga ninang ni Da­niel Padilla.

Palaging ikinukuwento ni Karla na kung hindi dahil sa pagtsa-“chaperone” niya noon kay Ruffa kapag lumalabas ang kaibigan kasama si Robin Padilla, hindi siya magkakaroon ng Daniel.

Kuwento ni Karla, “Alam mo naman si Tita Annabelle, pinasasama­han sa akin si Ruffa. Eh, kapag luma­labas kami, kasama rin si Rommel (Padilla).

“Kaya ayun, habang kasama ako, inaaliw naman ako ni Rommel kaya nabuo si Daniel!”

Isa si Karla sa mga kaibi­gan ni Ruffa noon na sobrang malapit kay Bisaya.

Madalas na pinapakanta ni Bisaya sa mga party niya si Karla para maka-raket noong araw.

Ngayon, “Doña” na ang tawag ng nanay ni Ruffa sa nanay ni Daniel dahil mayaman na mayaman na ito, huh!

***

Kahit may publicity ang ABS-CBN na si Jaya ang tumalo sa first anniversary celebration ng AlDub loveteam noong Sabado dahil lumabas na ito sa It’s Showtime bilang bagong hurado ng “Tawag ng Tanghalan” segment, wala pa rin palang kontrata sa Kapamilya network ang dating exclusive talent ng GMA 7.

Inusisa ko ang isang staff ng It’s Showtime kung anong araw ba talaga si Jaya bilang hurado ng Tawag ng Tanghalan, pero wala raw talagang regular day ang singer.

Kapag kulang sila ng hurado, on call si Jaya.

Pero masaya sila na maganda ang feedback ng fans sa paglabas-labas ni Jaya sa It’s Showtime.

Talaga raw pinag-usapan ang biglang pag-appear ni Jaya sa It’s Showtime noong Sabado.

Anyway, secretive ang mga taga-Kapamilya network. Malay natin at baka may ibang show pala na paglalagyan kay Jaya, ‘noh?!

One Response

  1. Hayan na nman ang publicity ng ABiasCBN na tinalo ng It’s Showtime ang ALDUB’s 1st anniversary. What do u expect? Ang Kantarantaduhan survey firm lang naman ang basehan nila kung san stockholder ito haha.