Jaya, OK na sa pagpanaw ng ama

Ruffa Gutierrez at Jaya

Nakasalubong namin sa corridor ng ABS-CBN si Jaya, na judge sa Tawag ng Tanghalan segment ng It’s Showtime.

Mukhang okey na naman si Jaya na medyo malungkot noong isang araw dahil namatay ang kanyang tatay na based sa Amerika.

Mukhang enjoy si Jaya sa pagiging Kapamilya niya dahil mukhang tanggap na tanggap siya ng mga taga-ABS-CBN.

Natuwa si Jaya nang makita sa ABS-CBN si Ruffa na nakasama niya noon sa SOP ng GMA 7.

***

Kung absent uli kahapon sa It’s Showtime si Vice, nag-guest naman si Sandara Park.

Kasama ni Vice si San­dara bilang judge (sina Aga Muhlach at Yeng Constantino ang dalawa pa) sa Pinoy Boyband Superstar.

Pinagkaguluhan ng Kapamilya employees si Sandara, huh?!

Nice pa rin ang dalaga, pero iba na ang sitwasyon ngayon dahil kasama na niya ang ma­nagement team niya from Korea.

Hindi na puwedeng basta-basta makapagpa-picture kasama ang tina­guriang ‘Pambansang Krung-Krung’!

Pero kapag nakikita ni Sandara ang mga dati na niyang kakilala sa ABS-CBN, siya ang unang bumabati.

Nananati­ling mabait ang Koreana na unang sumikat dito sa atin.

***

SINAMAHAN namin si Ruffa Gutierrez kahapon sa It’s Showtime kung saan siya ang celebrity contes­tant sa segment na TrabaHula.

Nahulaan ni Ruffa kung sino ang guma­gawa ng trophy sa apat na kasali kaya nanalo siya ng P20,000.

After ng guesting niya at ha­bang nasa dressing room pa kami, napakara­ming friends niya ang nag-text kay Ruffa informing her na nakakatuwa siya sa game segment na ‘yon.

Sayang lang dahil kung nasa It’s Showtime si Vice Ganda kahapon ay nabiro-biro pa sana ng comedian/TV host si Ruffa.

Absent si Vice dahil hindi maganda ang pakiramdam nito matapos ang sunud-sunod na taping ng Pinoy Boyband Superstar.

***

Nakatsikahan namin noong isang gabi si Donna Villa.

Naikuwento sa amin ng misis ni Direk Carlo J. Caparas na hindi pa man naisu-showing ang pelikula nila kay Bro. Mike Velarde na Miracles are Forever, may bago na silang pelikula with the El Shaddai leader.

“May kasunod na kaagad ang Miracles are Forever. Ang title naman, Miracles are Everywhere.

“Nagmi-meeting at nagka-casting na kami for that movie,” sabi ni Tita Donna.

Mukhang ganado si Bro. Mike sa magandang feedback sa Mi­racles are For­ever nang mag-premiere night sila noong Sabado sa El Shad­dai headquarter sa Parañaque City.

“Marami naman kasing miracles na nangyari sa mara­ming El Shaddai members, kaya gusto na kaagad ni Bro. Mike na gumawa na kami ng kasunod,” kuwento pa ni Tita Donna.