Jaya pumalag vs. driver

jaya

Mabuti na lang at uso na ang mga ride-hailing service rito sa Pilipinas, kaya pati mga celebrity, nag-a-avail na ng ganito.

Katulad ni Ruffa Gutierrez na hindi nasipot ng kanyang driver kahapon dahil biglang nagkasakit at walang makuhang rent-a-car, nag-ride-hailing service na lang siya papuntang Eat Bulaga para sa Jackpot En Poy.

At least, hindi siya na-late sa nasabing segment ng nasabing noontime show, huh!

Marami ring mga artistang sumasakay na lang ng Uber o Grab papunta sa taping nila dahil mas madali pa ‘yon.

Pati ang PBA roo­kie na si Jeron Teng, paminsan-minsan ay sumasakay rin ng Uber kapag sobrang traffic at mahirap mag-park sa lugar na pupuntahan.

Pero kung may magagandang feedback man mula sa mga celebrity sa mga ride-hailing service, meron ding mga nagre­reklamo, ‘noh?

Noong isang gabi, nag-post sa kanyang Facebook account si Jaya kung saan siya puwedeng magreklamo kaugnay ng kanyang sinasak­yang ride-hailing service.

May hindi magandang experience si Jaya sa driver ng nasabing ride-hailing service.

Pero after a while, binura rin niya ang kanyang ipinost dahil, “I deleted my recent post… because I vowed not to put negative posts on my wall, and instead focus and share positive stories and good times!!! Sorry Lord, ganda pa naman po ng araw ko ngayon. Salamat po. Good night.”

Hindi lang ako sigurado kung itinuloy pa rin ni Jaya ang pagrereklamo sa ride-hailing service dahil hindi na siya sumagot sa private message namin sa kanya.

Pinoy sa Las Vegas umaasang mananalo si Rachel sa Miss U

AS you read this, isini-celebrate pa rin sa Amerika ang Thanksgiving dahil Thursday pa lang doon.

Ang ating Miss Universe official candidate na si Rachel Peters, nakatakda raw na magkaroon ng Thanksgiving dinner with her family na nasa Las Vegas, Nevada rin para suportahan siya!

Pero bago raw ang Thanksgiving dinner, may rehearsal pa rin si Rachel at ang 91 official candidates pa sa Miss Universe 2017 beauty pageant.

Pero dahil importanteng araw nga sa Amerika ang Thanksgiving, kaya may break naman ang 92 official candidates sa Miss Universe 2017 para ma-enjoy rin nila ang araw na ito!

Parami nga pala nang parami ang local celebrities na ikinakampanya na suportahan si Rachel sa Miss Universe 2017 beauty pageant. Very positive naman ang mga kababayan natin na pupuwesto si Rachel sa nasabing international beauty­ pageant.

Marami ang umaasang mananalo siya bilang Miss Universe 2017!