Dadalo umano sa susunod na pagdinig ng House Committee on Justice ang kontrobersiyal na inmate na si Jaybee Sebastian.

Ito ang tiniyak kahapon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na nagsabi pang posible umanong puwersahin itong pumunta kapag hindi sumunod.

“Kung iyong sabi mo to forcibly bring him? Pag ayaw niyang sumunod ay malamang iyon ang gawin sa kanya. Kasi compulsary process iyon eh,” pahayag ni Aguirre sa panayam ng DZBB.
Gayunman, nilinaw ni Aguirre na hindi nag-isyu ng subpoena ang House committee para kay Sebastian.

Si Sebastian ay unang inakusahan na nangolekta ng pera sa kanyang mga kapwa inmates para ma­ging pondo sa kandidatura ni Senator Leila de Lima.

“Actually hindi subpoena eh. Ako ang nire-require as head of the Department of Justice (DOJ) kaya para kasing suspended ang political rights ng ilang prisoners eh so wala silang karapatan na tanggihan ang mga iyon,” ayon kay Aguirre.

Nilinaw rin ni Aguirre na hindi witness ng DOJ si Sebastian at wala siyang ideya kung ano ang sasabihin ni Sebastian sa pagdinig ng House Committee on Justice sa susunod na pagdinig.

“‘Di ako maaring mag-speculate. Dalawang bagay ang puwedeng gawin niya: magsabi siya ng totoo o magsabi siya ng kasinunga­lingan,” wika pa ni Aguirre.

Unang sinabi ni De Lima na si Sebastian ay isang government asset na hindi naman nila pinaniniwalaan.

“Kung ako ay papayagan na magtanong eh, sa cross-examination eh palagay ko makaka-contritube tayo kahit papaano para mapalabas ang katotoha­nan kay Sebastian,” dagdag pa ng Kalihim.

Nabatid na iniurong sa Oktubre 5 ang pagdinig ng Kamara matapos siyang obligahin ni Pangulong Rodrigo Duterte na sumama sa Vietnam sa darating na Setyembre 27-30.

2 Responses

  1. Kahit ano sasabihin nang priso kung meron siyang makukuhang benepisyo para sa sarili. Halimbawa “witless protection” tapos bagong pangalan at palaya-in na. Yung ibang priso gano-on din ang gagawin. Dapat kunan si Bastian nang “statement” kung ano ang alam niya sa mga sindikato sa Bilibid. Diyan malalaman kung panindigan o babawi-in niya ang kanyang nilagda-ang “statement”. . . .