Napakawalan ng Zark’s Burger-Lyceum ang naipundar na 14-point lead, pero kumapit sa dulo para ipagpag ang Wangs Basketball-Letran 95-93 sa PBA D-League Aspirants Cup sa Pasig Sports Center kahapon.

Ibinaon ni Jaycee Marcelino ang go-ahead basket mula sa feed ni MJ Ayaay at napreserba ng Jawbreakers ang pang-apat na panalo sa limang laro.

Tanging bangas ng hukbo ni Topex Robinson ang 94-92 loss sa Marinerong Pilipino sa unang laro nila sa torneo.

Naiwan ng hanggang 81-67 ang Couriers, pero unti-unting nakabalik.

Inako ni Robinson ang sisi sa pagkalusaw ng kanilang lead at sa muntikan pang talo.

“It’s my responsibility because I wanted to give the others a chance to play,” anang coach. “It almost turned into a loss and it’s my responsibility.”

Nanguna sa Jawbreakers si Mike Nzeusseu na nagsumite ng 27 points, 11 rebounds at tigthree blocks at steals. Umayuda si CJ Perez ng 18 points at five assists, bakas si Ralph Tansingco ng 16 at tumapos ng 11 si Marcelino.

Naglista ng 22 points at 10 rebounds si Bong Quinto sa Wangs-Letran.

Wagi naman ang University of Perpetual Help System Dalta kontra Jose Rizal University, 88-72.

Ang mga iskor:

Unang laro

Zark’s Burger-Lyceum 95 — Nzeusseu 27, Perez 18, Tansingco 16, Ayaay 11, Jv. Marcelino 8, Serrano 6, Jc. Marcelino 4, Baltazar 3, Santos 2, Caduyac 0, Cinco 0, Ibañez 0, Marata 0.

Wangs Basketball-Letran 93 — Quinto 22, Calvo 16, Fajarito 13, Ambohot 11, Batiller 7, Muyang 6, Publico 6, Mandreza 5, Trinidad 3, Balanza 2, Taladua 2, Balagasay 0.

Quarters: 18-20, 46-45, 77-67, 95-93.

Pangalawang laro

UPHSD 88 — Eze 24, Villanueva 18, Coronel 11, Aurin 9, Jimenez 9, Peralta 8, Charcos 7, Antonio 2, Mangalino 0, Tamayo 0.

JRU 72 — Esguerra 21, Apinan 14, Mendoza 11, Grospe 6, Perez 6, Yu 6, Dela Virgen 5, Bordon 2, Mvogo 1, Padua 0, Pontejos 0, Tayongtong 0.

Quarters: 17-11, 41-29, 62-53, 88-72.(Vladi Eduarte)

06-PBADL caption:

Bumitin sa ere si Jaycee Marcelino ng Zarks Burger-Lyceum sa harapan ng dalawang Wangs Basketball-Letran defender sa isang tagpo ng PBA D-League Aspirants Cup elims kahapon.(PBADL Image)