OAKLAND, California (AP) — Umiskor si Stephen Curry ng 25 points sa likod ng apat na 3-pointers, may 22 si Kevin Durant at hinagupit ng Golden State Warriors ang Utah Jazz 104-74 Martes ng gabi.

Nagdagdag si Klay Thompson ng 17 points, may 15 points, 11 rebounds at five steals si Draymond Green sa Golden State.

May 14 markers si Joe Johnson sa Utah sa pampitong sunod na talo ng Jazz sa Warriors.

Pitong sunod na ring nadadapa sa Oracle Arena ang Jazz.

Inumpisahan ang laro masagwang pinagsamang 2 for 25 shooting ng magkatunggali, pero nang mag-init ang Warriors sa second ay nagtuluy-tuloy na sa tambakang panalo.

“It was cool to go through and cool to see how we guarded through the night,” ani Durant.

Nagdagdag ng eight points at seven rebounds off the bench si JaVale McGee sa Warriors.

Nag-warm up ang Warriors at napahaba ang playing time ng backups sa stretch.

Miyerkules ng umaga lalarga ang Warriors para maglaro kinabukasan sa Brooklyn, sa Detroit sa Biyernes at sa Cleveland sa Christmas Day sa rematch ng NBA Finals na sinikwat ng Cavs sa Game 7.