JC de Vera walang maalala na binadtrip si Angel

tonite-imo-vinia-vivar

Nagsalita na si JC de Vera tungkol sa kontrobersyal na “walk out” issue ng co-star na si Angel Locsin sa set ng “The General’s Daughter.” Na-interview ng ilang entertainment press ang aktor kahapon sa solo pocket presscon niya at siyempre, hindi puwedeng hindi ito itanong sa kanya since naroroon siya nang mangyari ‘yun.

Ayon kay JC, kasalukuyan siyang natutulog nang mangyari ‘yun bandang 1pm daw ‘yun at hindi lang siya ang tulog kundi marami sila.

“Marami kaming tulog that time. At nu’ng nangyari ‘yung time na ‘yun, lahat kami tulog. Then when we woke up, nangyari na siya. And clueless kami lahat sa kung ano ang nangyari.

“So, kung tatanungin n’yo ako talaga kung ano ang nangyari, hindi ko po alam. Tulog po ako nu’n,” ang simulang kwento ni JC.

Nagising daw siya at 4pm at nagulat na lang sila sa nangyari.

“No one really knew what happened that day, everyone’s clueless,” dagdag pa niya.

Ano ang naging reaksyon niya nang malaman niyang nag-walk out si Angel?

“Nu’ng nagising ako, hindi na rin ako masyadong nagtanong, kasi everyone was silent din about it. Kung baga, hindi siya dapat pagtsismisan o pag-usapan.

“And bilang malaki ‘yung ang respeto namin kay Angel, wala ring gustong magtanong what really happened.”
Pagkatapos ng nangyari ay itinuloy naman daw nila ang taping at hindi naman nakansel. Ang mga kinunan daw nila ay
‘yung mga scenes na wala ang aktres.
Nagpadala naman daw ng text messages sa kanilang lahat si Angel at nagso-sorry sa nangyari.

“Naka-receive naman kami ng message and she said sorry naman and she was honest naman na she was asking for forgiveness nga for what happened.”

May mga naglabasang siya raw ang kaeksena ni Angel that day at aniya, wala raw silang eksenang dalawa nang araw na ‘yun kaya nagulat naman daw siya na may ganu’ng tsika.

“Hindi ko naman maalala na binadtrip ko si Angel that day,” natatawa pa niyang sabi.

Isa rin sa mga lumabas ang tsikang dahil daw palasigaw at palamura ang direktor na si Manny Palo kaya nag-walk out ang aktres at nilinaw din ito ni JC.

“Para rin sa nagtatanong kung may kinalaman ang direktor namin, wala. As in hundred percent, I’m sure, wala. Kasi kahit siya, nagulat din siya kung ano ang nangyari, and then, pumasok din siya sa dressing room namin, he was smiling, and gumanu’n lang siya, “what happened?” Hindi rin niya alam.”

Sa pagkakakila ni JC kay Angel dahil ilang beses na niya itong nakatrabaho, very humble pa rin naman daw ito at sobrang focused sa craft.

Isang sundalo ang ginagampanan ni JC sa “TGD” na love interest ng karakter ni Angel. First time raw niyang gumanap ng nasabing role at nag-training pa siya for this.
***

Pinalitan ni Jameson
JM tsugi sa Jennylyn-Richard movie

Hindi na si JM de Guzman ang makakasama ni Jennylyn Mercado sa Star Cinema movie niya na “Heart of Mine” kung saan ay kasama rin si Richard Gutierrez.

Mukhang busy raw yata si JM at may iba pang gagawin kaya pinalitan na siya ni Jameson Blake.

For sure ay matutuwa rin ang mga fan nina Jen at Dennis Trillo dahil finally ay may reunion mo­vie na sila, ang “Keepers” ng Reality Entertainment.

Ito ‘yung matagal nang naka-schedule na horror flick ni Jen sa Reality at intended na for Metro Manila Film Festival this year.

Huli pang pelikula nina Jen and Dennis ay ang “Rosario” noong 2012 at ngayon lang ulit masusundan kaya ang dami nang nasasabik na mapanood sila sa big screen.

Aside from these two movies, nagsimula na si Jen na mag-taping ng kanyang bagong drama series sa GMA-7 na “Love U 2” with Gabby Concepcion na ieere naman bandang April.