JC kumalas sa bagong babae

Hindi ikinaila ni JC Santos na nasaktan siya sa naging breakup nila ng theatre actress na si Teetin Villanueva.
Bagama’t ayaw na niyang masyadong mag-elaborate, gusto na raw niyang mag-move on.
Iba rin ang strategy niya para makalimot.
Siya raw ‘yung klase ng tao na ibinabaon ang kanyang sarili sa trabaho para hindi ma-wear out ng problema.
Best way sa kanya to deal with heartbreak ang mag-travel.
“The best way to deal with heartbreak is to travel. To travel alone. Sinusuportahan ko lahat ng nagtra-travel mag-isa. Kasi, mas nahahanap mo ang sarili mo kapag walang ibang tao sa paligid mo,” aniya.
Iba rin ang hugot niya pagdating sa mga heartbreak.
“Para makalimot, I have to keep myself busy. Nagtra-travel ako especially that I’m a backpacker guy. Nagso-soul searching and I meet a lot of people and I like that part,” sey niya.
Nakaka-relate rin daw siya sa kanyang pinagdaanan kaya dito siya kumukuha ng inspirasyon sa kanyang craft bilang actor.
By nature daw, adventurous si JC at love niya ang outdoors.
“I was a traveler kahit noong bata pa ako. Actually, dumating ako sa puntong at the time, No Permanent Address na ako,” pagtatapat niya.
Sa pagta-travel niya, ikinumpisal niya may na-meet siya na babaeng naging close sa kanya.
“When I was in Thailand, I met someone. Tourist din siya. She’s very special to me and sometimes you know, some good things really never last. So, kailangang siyang mag-stop eventually kahit paano painful. Lahat naman ng goodbyes, painful,” ani JC.
Pero nilinaw niya na hindi ito ang dahilan ng hiwalayan nila ng dating girlfriend na si Teetin.
“No, hindi siya ang rason,” pakli niya.
 “It’s actually the lack of time na makasama siya. Actually, nagi-guilty ako dahil wala akong time sa kanya, and I wish na sana, matagpuan niya ang lalakeng mas deserved niya,” paha­yag niya.