JC, maalab ang pagnanasa kay James

UMERE kagabi ang pilot episode ng tele­seryeng Till I Met You sa ABS-CBN.

Kung nakatira ka sa kuweba like a hermit o kaya you live in the boondocks,­ wala kang paki­alam sa katotohanang James Reid and Nadine Lustre­ are claiming once more their primetime supremacy.

With this new primetime offering, patutunayang muli ng JaDine na sila ang numero unong love team sa Kapamilya network.

With a third wheel like the papable JC Santos and a story line that is progressive, swift plot developments and obviously they did not scrimp on production values… hindi mahirap tutukan, yakapin at mahalin ang bagong palabas na ito.

Ano kaya ang pakiramdam ng mga ka-Siyete ngayong ang back to back pangabog mula Kapamilya network ay ang FPJ’s Ang Probinsiyano at Till I Met You?

Meron na kaya silang sleepless nights at ang emotional stress nila ay all time high?

Sa pilot week screening nito sa Trinoma Cinema­ nitong Linggo, hindi pwedeng ipagkaila ang post card perfect na glorya ng Gresya.

Greece is indeed the country na the past and present meet comfortably.

Kitang-kita sa drama kung gaano binibigyang importansya ng mga Griyego ang kanilang mayamang cultural heritage at kasaysayan.

***

James Reid
James Reid

Kitang-kita rin kung gaano ka-guwapo si James Reid. Wala yata siyang kuhang pangit. Lahat, panalo.

Mas panalo rin na marami-rami siyang ‘ibuyangyang ko ang aking katawang panromansa’ scenes.

As Basti na ang emote eh pa-rebel without a cause, Reid speaks his Greek lines like a true local.

Hindi na blanko ang kanyang mga mata at facial expressions. There is noticeable growth sa kanyang pagiging aktor.

Hindi lang siya nag-re-rely sa kanyang pretty boy looks.

May undeniable chemis­try rin sila ni Santos.­ Iyung mga bro-bro term of endearment nila, naku, kopyang-kopya ang mga bromantic kaugalian of the boy bortas and pamhinta wonderland.

Hindi ko mapigilang humagikgik kapag super-bro moments na nina Basti at Ali.

At itong si JC, bilang Ali, talagang the look of love and lust is his eyes kapag pinagmamasdan at sinisipat si Basti.

Hooray for this leading man who came from the theater.

Si Santos ay patotoo na maraming wonderful acting finds sa mundo ng teatro.

As always, Nadine Lustre did not disappoint. Natural, sinsero at alam mong she’s portraying Iris with a lot of honesty.

As Iris, you cannot help but root for her. Kasi, alam mong friendzone territory siya kay Ali at falling for Basti is like a dangerous yet exciting territory.

Ang panalo pa sa tatlong leads, you don’t see them as James, JC and Nadine.

You watch them na as their conflicted and troubled characters na ang ultimate redemption ay honesty and love.

***

Angel Aquino
Angel Aquino

Aside sa mga bida, may well written at solid story arcs sina Carmina Villaroel, Pokwang at Angel Aquino bilang tatlong babaeng pinaglaruan ni Zoren Legaspi hanggang sa sila ay maging best of friends.

Ang biggest curiosity ko sa soap eh kung paano ang big reveal ni JC sa kanyang pagiging gay.

Interesting to observe how will the writing team treat it and once the cat is out of the bag, how will they present it delicately para hindi lumalaylay at hindi maging ‘tragic’ o ‘bitter’ ang character ni Ali.

Walang duda na Till I Meet You is going to be a primetime viewing habit of the majority of televiewers wanting to be jolted tapos hooked na.

The mania it will produce ay ‘yung parang sa My Husband’s Lover.

Younger version nga lang at baka bigger and mas eksahe­rada ang hysteria.