MILDRED BACUD: Sa selebrasyon ng kanyang 15th year sa showbiz ay magkakaroon ng major concert ang first ever WCOPA Champion na si Jed Madela.

Gaganapin ito sa November 16 at the Smart Araneta Coliseum. Sa ginanap na presscon ay naikuwento ng singer ang mga frustration at achievement niya sa showbiz.

Nahi­ngan din siya ng komento patungkol sa mga umu­usbong na mga baguhang singer ngayon lalo na ang mga galing sa singing contest.

Sey ni Jed, “Most of them okay naman. Pero may ilan sa kanila very warmth like pag nada­anan ka, magbibigay pugay. All smile talaga pero pag dumating sa point na nakaramdam na sikat na, dadaanan ka na lang. Imposible namang hindi ka nakita, sa laki kong ito?”

Pinuri naman ni Jed ang pagiging humble at down to earth ni Daniel Padilla na inilarawan niyang sa kabila ng tagumpay at kasikatan ay hindi nagbabago.

RODEL FERNANDO: Wow, 15 years na pala si Jed Madela sa showbiz at parang kailan lang noong nagsisimula siya na mahirap din ang pinagdaanan bago siya sumikat.

Ito ngang concert niyang darating ay maraming nang-intriga dahil may mga tumataas ang kilay kung mapupuno niya ang Araneta Coliseum. Of course, mala­king challenge ito sa magaling na singer at maraming mata ang nakamasid kung papatok ang kanyang concert.

Sa kabila ng mga intrigang pinagdaanan ni Jed ay napapanatili pa rin niya ang kanyang estado bilang isa sa mga tinitingalang OPM artist.

Sana nga ay tangkilikin ang kanyang concert dahil siguradong hindi niya bibiguin ang mga manonood.

ROMMEL PLACENTE: Ako ay manonood ng concert dahil alam ko na magiging sulit naman ang ibaba­yad ko ng ticket.

Tiyakin na mag-i-enjoy ako dahil alam naman natin na pagdating sa kantahan ay mapapa-wow ni Jed ang audience plus nandyan pa si Regine Velasquez bilang special guest niya. ‘Pag nagsama na ang dalawa sa stage sa gagawin nilang duet naku siguradong matin­ding sigawan at palakpakan ang maririnig sa audience lalo na ‘pag bumirit na sila pareho.

Sobrang happy si Jed na finally ay nakuha niya na rin si Regine bilang kanyang guest sa kanyang 15th anniversary concert. Noon pa kasi ay pangarap niyang mag-guest ito sa kanyang concert. Tuwing kinukuha niya si Regine noon ay laging hindi ito puwede. Nang alukin nga raw niya ito ulit kung puwede na siya this time, ang sagot daw sa kanya ay may concert kasi siya kinabuka­san. Nagulat na nga lang daw siya nu’ng biglang mag-text sa kanya ang Asia’s Songbird para sabihin kung puwede pa raw ba siyang mag-guest sa kanyang concert.

RONALINE AVECILLA: Mas bongga na nandun ang Asia’s Songbird. Tiyak na magiging malakas ang hatak niya sa masa kung ganoon. Ang gusto nga raw ni Jed ay sa Kia Thea­tre lang gana­pin ang concert niya dahil nangangamba siya.

Pero siyempre big celebration ang gagana­pin kaya hindi puma­yag ang mga producer. Napagpasyahan na sa Araneta Coliseum gaganapin.

Mukhang paghahandaan naman ito ni Jed at hindi putsu-putsu na parang variety show lang. Ang bet niya ay parang classical lang ang datingan. Nai-imagine na namin kung gaano kabongga ang gagawin niya.