Dalawa ang kumpirmadong nasawi habang 19 pa ang nasugatan nang magsalpukan ang isang dump truck at pampasaherong jeepney sa Barangay Luacan, Dinalupihan, Bataan kahapon ng umaga.

Isa sa mga nasawi ay kinilalang si Norma Estivar, 70, na nagtamo ng matinding pinsala sa ulo.

Ayon kay Chief Insp. Eduardo Guevara, hepe ng Dinalupihan Police, 19 katao ang dinala sa pagamutan, isa dito ay ang driver ng jeep na si Ricky Mangalindan, dating pulis, na kritikal ang kondisyon.

Sa imbestigasyon, may iniwasang kotse ang trak na may plakang UQA-482 na minamaneho ni Raymond Castro, 22, at sa pag-iwas nito ay nakasalpukan ang kasalubong na pampasaherong jeep na may plakang CWE-372.