Ang tuluyan nang pag -phaseout ng mga jeep ang nakikitang dahilan ni House Deputy Minority leader and Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate kaya patuloy pa ring suspendido ang operasyon ng mga public utility jeepney (PUJ) at bus kahit isailalim na ang National Capital Region (NCR) sa general community quarantine (GCQ) sa Lunes.
Paniniwala ni Zarate, maaring sasamantalahin na ng Department of Transportation’s (DOTr) ang COVID pandemic upang tuluyan maitutulak ang jeepney phaseout.
“It appears that the DOTr is using the CoVid pandemic to push through with its anti-people and anti-poor plan to get rid of jeepneys,” ayon kay Zarate.
Dahil dito, ayon sa kongresista, hindi katanggap-tanggap na samantalahin ng DoTr ang kasalukuyang krisis para i-phaseout ang mga jeepneys at itutuloy pa rin ang tinatawag na modernisasyon na itinutulak ng malalaking negosyante ng sasakyan.
“Dapat nga ay isama na sa sinasabing better normal ang pagkakaroon ng mura, maaasahan at ligtas na mass transportation system. There should really be a comprehensive transportation plan as well as urban planning for the country that would not be affected by the change in administrations,” ayon kay Zarate.
Dagdag pa ng solon, sa Lunes na kung saan nasa GCQ na ang NCR ay asahan umano ang ‘mass transportation crisis’ dahil sa kakulangan ng magsasakyang ng mga papasok sa trabaho. (Eralyn Prado)