Iniwasan ni Kylie Jenner si Nicki Minaj nu’ng nasa awards night siya ng MTV Video Music Awards na ginanap sa Radio City Hall, New York.
Kamakailan lang ay binash ng Queen singer sa social media ang live-in partner ni Kylie na si Travis Scott at ang kanilang anak na si Stormi pagkatapos niyang i-release ang album na Astroworld.
Sinabi ni Nicki sa kanyang Twitter account na ginagamit ni Travis ang girlfriend at anak nilang babae para sa interest ng kanyang album (Travis).
Ayon pa kay Nicki, naka-sold out ng mahigit 50,000 copies ng wala man lang requirement para ma-redeem ang album at walang date para sa tour. Ginagawa lang daw ni Travis ay umaasa sa napakalawak na social media ni Kylie para sa promotion.
Ani Minaj, “I put my blood sweat & tears in writing a dope album only for Travis Scott to have Kylie Jenner post a tour pass telling ppl to come see her & Stormi. lol. Im actually laughing.”
Ang Queen album ni Minaj ay nasa second ng Billboard 200 behind Scott’s Astroworld na nagsasabing dinaya raw ang market record.
Kinausap daw ni Minaj si Travis. “He knows he doesn’t have the #1 album this week,’ in spite of his Billboard status.”
Ang dahilan kaya iniwasan ni Kylie si Minaj para hindi na raw magkaroon ng commotion. Masayang dumating sa music awards ang partner ni Travis, pero agad na nagbago ang mukha ng makita ang Queen singer. Nag-iba ng direction ang sikat na celebrity at hinanap ang kanyang handler.