Kumalat ang balitang si Jennifer Garner at ang kanyang kasintahang si John Miller ay nagpaplano nang magpakasal ngayong summer.

Gaganapin daw ito sa bahay ng aktres sa Los Angeles, ayon sa ulat ng isang tabloid sa Hollywood.

Ayon sa balitang inilabas ng Life & Style, ang magkasintahan ay magpapakasal sa isang outdoor ceremony na gaganapin sa mismong tahanan ng aktres sa Pacific Palisades.

Ayon sa ba­lita, pinili ni Jen ang isang simple, sexy na puting damit pangkasal.

Imbitado ang mga sikat na artistang kaibigan ng ikakasal tulad nina Reese Witherspoon at Kate Hudson. Maging ang ina ng kanyang ex-husband at ama ng kanyang tatlong anak na si Ben Affleck.

Kung matatandaan, nito lamang nakaraang buwan ay nagpasya ang magkarelasyon na maglaan ng mas mara-ming oras na magkasama para mas lalo nilang makilala ang isa’t isa.

“In March, Jen and John decided to slow things down a bit. Jen was focusing on the kids, her career, and co-parenting with Ben [Affleck],” ayon sa isang source.

“They have great chemistry and truly love each other’s company. In the last couple of months, while they have take­n a little time for themselves, they have missed each other and both realized they wanted to spend more time together.”

Dahil sa mga ganitong pahayag kung kaya’t umugong ang espekulasyong mukhang nagpaplano na ngang magpakasal ang dalawa. Pero, ayon mismo sa isang taong malapit kina Jen at John inamin niyang walang magaganap na kasalan ngayong summer sa pagitan nila. (Lourdes Fabian)