Sina Jennifer Lopez at Alex Rodriguez ay ikakasal na. Inanunsiyo ng power couple sa kani-kanyang Instagram account na handa na silang magpakasal sa isa’t isa. Masayang ibinalita ng New York Yankees star boyfriend ni JLo na finally ….. “She said yes.”
Kailan lang ay ipinagdiwang ng magkarelasyon ang kanilang dalawang taong anibersaryo. “We’re happy. We’re taking it day-by-day. And it’s great.”
Dagdag pahayag pa ng singer/actress na…. “Everyone wants a fairy tale. They all want a romantic comedy, a happy ending. We all do. But it’s not a movie, even if you see us on Instagram or on the shows.”
Nagsimula ang magandang relasyon ng dalawa noong February taong 2017. Nagkakilala sila habang magkahiwalay silang kumakain ng pananghalian. Si JLo ang unang lumapit sa nasabing baseball player.