NABUHAY ang #JenMark hearts!
Bukod sa BTS photos na kumakalat online, confirmed ang balik-tambalan nina Jennylyn Mercado at Mark Herras para sa episode ng Dear Uge bukas (Sunday, August 27) entitled KASAL SAKALAN.
Mukhang mahihirapan silang magkaroon ng happy ending dahil sa karakter ni Dion Ignacio sa kanilang kuwento.
Kaabang-abang ang episode na ito, huh?!
At ano kaya ang magiging cameo role ni Uge? Tutok lang sa Dear Uge bukas pagkatapos ng Sunday PinaSaya sa GMA.