Ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado ang itinanghal na Outstanding Actress of the Year for Love You Two sa recently-concluded 7th World Class Excellence Japan Awards. Big winner ang Love You Two dahil sa apat na awards na tinanggap.

Aside from Jen ay nanalo rin ang leading man niyang si Gabby Concepcion as Outstanding Actor of the Year habang pinarangalan naman ang serye ng Outstanding TV Series of the Year. Wagi rin bilang Outstanding Character Actor of the Year si Ollie Espino.

Anyway, abala ngayon sa kanyang bagong serye, ang Pinoy adaptation ng hit Korean drama na Descendants of the Sun with Dingdong Dantes.

Pinaghahandaan na rin ni Jen ngayon at boyfriend na si Dennis Trillo ang first ever concert nila na magaganap sa Pebrero rin. Marami kasi ang humihiling na mag-concert ang showbiz couple simula nang maglabas sila ng Co-Love sa YouTube featuring their collaboration.

Hit na hit sa YT ang mga duets nila at katakot-takot nga ang request na gumawa sila ng album or di kaya ay mag-concert.

Kaya naman pinagbigyan nina Jen and Dennis ang request ng mga fans.

Titled Co-Love Live, gaganapin ang JenDen Valentine concert sa Feb. 15 sa New Frontier Theater.

Ruru ayaw managasa kay Jasmine

Kahit pa aminado si Ruru Madrid na showbiz crush niya si Jasmine Curtis, ayon sa aktres ay hindi naman daw ito nagparamdam sa kanya habang ginagawa nila ang pelikulang Cara X Jagger.

“Although, sobrang maalaga lang talaga siya. Kunyari, ‘yung mga eksenang ganito, naka-high heels ang mga babae, kung maglalakad ng malayo, aalalayan niya kami or ako kung ako lang ang kaeksena.

“Gentleman siya. He really wants to make sure na ‘yung mga babae sa set, eh naalagaan,” kwento ni Jasmine.

Pero ganu’n lang daw naman at wala namang “pormahan” na nangyari. Beside sey ni Jasmine, alam naman daw ni Ruru na so much in-love siya sa boyfriend na si Jeff Ortega.

“Safe kami sa isa’t isa. As much as possible, ayaw niya rin na may maapakan or masagasa kung anon’g meron ako kasi alam niya rin kung gaano rin ako ka-in-love,” sabi pa ni Jasmine.