Marami ang kinilig sa latest collaboration ng Kapuso sweethearts na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Umabot sa almost 1 million ang views ng kanilang cover sa YouTube habang kinakanta nila ang “After All” na naging theme song sa romantic movie na “Chances Are.”

Sey ng netizens, sana marami pa raw silang darating na music collaboration.
Komento naman ng iba, swak na swak ang kanilang duet dahil nagbe-blend talaga hindi lang ang kanilang mga boses kundi pati na ang kanilang mga personalidad.

May mga nagre-request din na sana ay muli silang magsama sa isang proyekto.
Huling nagkasama ang DenJen sa teleseryeng “My Faithful Husband.” (Archie Liao)