Jennylyn ginaya si Song Hye Kyo

Gayang-gaya ni Jennylyn Mercado ang hitsura ni Song Hye Kyo na orihinal na gumanap ng Descendants of the Sun sa first taping day nila ni Dingdong Dantes.

Nagsimula na ngang mag-taping si Jen para sa Pinoy adaptation ng DOTS at ang unang eksenang kinunan sa kanila ay ang una ring pagkikita ng mga karakter nilang sina Capt. Lucas or Big Boss at Dra. Maxine or Beauty. Ito rin ‘yung unforgetabble scene ng serye kung saan ay aagawin ni Big Boss ang cell phone ni Beauty.

Sa tweet nga ni Dong, aniya ay talagang prinaktis pa niya ang cellphone flip scene na ito.

Sa nasabing eksena ay makikitang naka-pony tail si Jen na halos kopyang-kopya sa hitsura ni Song Hye Kyo sa original scene. Ayon sa aktres in her recent interview, talagang inaral niyang mabuti ang karakter niya para maging malapit sa acting ng original actress.

Ang dami na agad nakyutan sa mga still photos na ipinost ng GMA-7 at looking forward na ang fans sa airing nito on February.

Beauty Queen tumambay sa tent ni Alden

Halos one month na ring umeere ang The Gift at ayon sa leading lady ni Alden Richards na si Thia Thomalla ay friends naman na raw sila ng aktor.

Kwento nga niya nang bisitahin namin sa taping last Friday, nagtambay daw siya sa tent nina Alden, Mikee Quintos at Mikoy Morales that day dahil natakot siya sa kulog. Magkakasama kasi ang tatlo sa isang tent.

“Kasi, di ba, ang lakas ng ulan, ta’s may thunder and lightning. Eh natakot ako, eh. Kasi sobrang lakas, natakot ako. So pumunta ako sa tent nila nina Mikee and Mikoy,” kwento ni Thia.

Nanood lang naman daw sila sa Netflix habang nagpapatay ng oras.

When asked kung kumusta naman ang pagtanggap ng tao sa team-up nila ni Alden, ayon sa beauty queen ay may mga positive feedbacks naman pero siyempre, hindi rin maiiwasan na may negative.

“May mga taong kinikilig, ta’s we can’t deny naman na may mga taong ayaw pa rin, so du’n lang tayo sa job natin na we’ll focus there, we’ll try to improve every single time kung saan kailangang mag-improve at ‘yun ‘yung mindset ko,” aniya.

Hindi na raw niya masyadong iniisip ang mga negative comments from the “outside world” dahil ang mas nagma-matter naman daw talaga siyempre ay ang mga sinasabi halimbawa ng direktor at ng production team.

First teleserye rin ito ni Thia at natutuwa siya na because of the series ay marami na ang nakakakilala sa kanya ngayon at tinatawag siya sa karakter niyang si Faith . Hinahanap na sa kanya si Seph na karakter naman ni Alden.

Bago sa kanya ang mga experience na ito na tinatawag sa pangalan ng character niya instead of her name at masarap daw pala sa pakiramdam.

Mikee last week sinagot ang dyowa

Nakausap din namin si Mikee Quintos sa nasabing set visit ng The Gift at umamin ang aktres na in a relationship na siya ngayon. Kasasagot lang daw niya last week sa kanyang non-showbiz suitor.

High school friend daw niya ang guy at may pagka-Chinese. Ayaw nang magbigay masyado ng detalye ng aktres tungkol sa new boyfie.

Dahil nga bago pa lang, ayon kay Mikee ay she just wants to take things slow at wala pa raw sila sa level na tipong nasa seryosohan na.

“Ayoko na munang like all out, gusto ko lang enjoy-in ‘yung time with him, kung anon’g meron ngayon. Like wala pa ako sa level ulit ng “love you forever”, as in ayoko na muna ng ganu’n,” natatawang sabi ni Mikee.

Ayaw nang sabihin ni Mikee kung sino ang ex niya na sinabihan ng ganu’n dahil 2 years ago pa raw ‘yun. Basta sa ngayon ay happy raw siya sa kanyang love life.