MAY pananalig ang diva that you love na marami ang curious as a cat sa local version ng My Love From The Star.

Maliban sa may cult following ito nang ipinalabas ang orihinal na Korean drama, tila kainaman ang Filipino reincarnation nito at hindi mas­yadong binali.

Anu-ano ba ang mga nakakakilig at kaabang-abang sa bagong romantic comedy/fantasya-serye na ito?

Bilangin natin ang mga dahilan…

Si Moi Bien, identified bilang ka-Dos, maski tanungin mo pa si Papa Piolo Pascual.

Magpapaandar at magpapayanig ito bilang Kathy. High school friends sila ni Steffi.

Si Nar Cabico, ang road manager na si Jun.

Chika ni Nar, “Wala akong masyadong adjustment, hirap o alinlangan na lagi kong kaeksena si Jennylyn.

“Magkasama na kasi kami dati sa Superstar Duets. As her RM sa soap, ako ‘yung sumasalo sa mga luka-luka antics niya bilang feelingerang superstar pero hindi masyadong bright na si Steffi.

“Ang galing-galing ni Jen. She is on a roll here. Effortless na effortless siya, hitad na hitad na when she becomes Steffi. Fag hag kung fag hag! Hahahaha.”

***

Si Migo Adecer bilang Yuan na kunwari bunsong kapatid ni Steffi.

In fairness to this Migo, artistahing-artistahin pala sa personal. May tindig at so charming to look at parang amoy baby pa. Parang masarap siyang polbohan, here, there and everywhere.

Sina Glydel Mercado at Melissa Mendez, warring stage mothers ang dalawa.

On point ang kanilang mga patutsadahan at tarayan.

Sa clips, tila nilalaro lang nina Mercado at Mendez ang pagiging stage mothers na protective of their daughters at kanilang mga career.

Kitang-kita na they are having so much fun. Sino kayang mga stage mothers ang ginawa nilang inspirasyon?

***

Jackie Rice
Jackie Rice

Si Jackie Rice bilang Lucy. Sa press payanig, pagkalalim-lalim ng V-neck ni Rice at agaw-pansin ang kanyang perky boobs na halos dumudungaw na.

Gustung-gusto niyang maging Lucy kasi, “Kumplikada siyang nilalang! Hahaha!

“Akala mo, bait-baitan. Akala mo, sunud-sunuran lang pero may tinatago palang poot kay Steffi.

“Supposedly, dapat best friends kami dito. On the outside, chummy-chummy pero inside, ang mga insecurities at frustrations ko, kinakain na ako.”

Christian Bautista bilang Winston, “Finally, I play a happy go lucky, goofy person. Hindi seryoso at stiff.

“Kasi naman, people always see me in formal clothes kaya akala nila, wala akong sense of humor.

“I am funny, believe me. My friends can attest to that. Hahaha! I like portraying him kasi it gives me more room to experiment.

“Also, he is so hopelessly devoted and in love with Steffi eh. Imagine, in this day and age, may lalaki pang tulad niya na minsan lang at isa lang ang minahal.”

***

Gil Cuerva
Gil Cuerva

Ang man of the hour, si Gil Cuerva bilang Matteo.

He is such a sweetheart. Well-mannered, masarap kausap, he looks at you in the eye, tapos he disarms you with his charms.

It helps na he is so supermodel guapo.

Game pa siya sa mga harutan. Meron kasi siyang shower scene, na in slow motion at that, kung saan lalong naging katakam-takam ang kanyang katawang panromansa.

Kuwento ni Gil, “I did not mind doing the shower scene. I take care of my body naman and as a model, natural ‘yung may mga times na you need to show what you got.

“Staple sa mga Korean dramas na ‘yung bidang lalaki, may shower scene kaya we did it here also.

“Matagal rin ‘yung shoot nu’n, it took about two hours. Kasi, iba’t ibang angles ang kinukunan. Gininaw na nga ako.”

***

Siempre pa, ang tandang pandamdam ng My Love From The Star, ang superstar sa ka-Siyete… si Jennlyn Mercado.

Keribels na keribels ni Mercado na maging Steffi Chavez.

Kaya niya na maging babaeng ang tanging asset ay ganda lang pero air head.

Alam na ni Jen on how to give life to her Steffi character. At magandang-maganda siya ngayon.

Her reunion and romance with Dennis Trillo is making her more blooming and happy.

Napatunayan na rin ni Mercado na kaya niyang magdrama, at mas kaya niyang magpatawa.

Sabi ni Mercado, “Masarap gawin ito kasi med­yo light lang. Hindi masyadong mabigat sa dibdib.

“Tamang-tama ang timpla. Feel good, may kaunting iyakan, saka maraming kilig.”

One Response

  1. nong napanood ko ang Korean drama na ito, ang sa isip ko si Carla Abellana yong leading lady… magandang babae at magaling umarte.