NI: VINIA VIVAR

Exercise at pagluluto ang pinagkakaabalahan ni Jennylyn Mercado ngayon habang naka-quarantine. Panay ang post ng Ultimate Star ng kanyang mga work-out routines sa kanyang social media account.

Nag-post din siya ng mga larawan niya habang nagluluto at sa caption, she wrote, “After this quarantine…… isa ka ng certified chef! 😅 Don’t forget to eat healthy to keep your body strong.”

Siyempre, may post din si Jen ng larawan nila ng kanyang unico hijo na si Jazz, gayundin ng mga photos nila ng boyfriend na si Dennis Trillo.

Caption ni Jen sa mga sweet photos nila ni Dennis, “what the world needs now is…LOVE.”

Kahapon ay hindi rin nakalimot ang aktres na bumati ng “happy easter” sa kanyang mga follower.

“Easter reminds us that hope must never be lost for as dark as the road may seem, there always lies a light at the end of it. Have a blessed Easter everyone!” ang post ni Jen.

In the past and even before the quarantine ay halos walang pahinga si Jen dahil sa sunod-sunod na trabaho. At least ngayon ay nabigyan siya ng maraming oras para magpahinga at more bonding time with her son.