ANG Ultimate Star na si Jennylyn Mercado, busy as a honey bee para sa promotion of her new album.

Yes, you guessed it right, Ultimate din ang title of her album. Super push sa balana, dabarkads at madlang pipol ang bran­ding ni Jen.

Sa Superstar Duets, na parang sila-sila lang ang may alam at nanonood, sing kete sing ni Mercado ang kanyang carrier single. Sing kete sing din niya ito sa Sunday ­PINASaya.

Sa kanyang pagbisita sa number one programa tuwing Linggo, pansin na pansin na nakakasilaw na sa kaputian si Jen, parang bordering on the luminous na ang gandara niya.

Hindi siya kaputian in a major, major way during her StarStruck days.

Salamat sa glutha ba ito?

Hindi na ako magtataka kung one of these days, pupunta siya sa Eat Bulaga to sing and promote her album.

Kung hindi pa nagbabu sa ere ang Walang Tulugan with The Master Showman, malamang sa guilty pleasure show ni the late German Moreno, promote at sing kete sing tiyak muli si Mercardo.

Ang kataka-taka at nakakahibang factor sa karera ni Jen, bakit kaya hindi nagdadabog ang bangs niya sa katotohanang Korean drama remake, ang My Love From The Star ang next TV project niya?

Hindi ba siya deserving of an ORIGINAL show?

True, keribels ni Jen na maging Stephie Choi pero di ba, she is their network’s ultimate star?

Is this your way of telling the public na ito ang ultimate project for her?

Gagawin ninyo ang Filipino version of the Korean drama to endear her sa masa?

Hindi pa ba endeared si Mercado sa tao? Teka, teka, teka! Hiyang-hiya naman ako sa mga nanood sa English Only Please, The Prenup, Walang Forever at Just The 3 of Us.

Lahat ng mga pelikulang binanggit, estrella at kabogera sa box-office.

Hindi pa ba sapat ‘yan para masabing Mercado is loved by many, if not by all?

Kung talagang gusto niyang patuloy manalig ang publiko sa versatility at husay ni Jen bilang aktres, then you should know na dapat fresh as the morning daisy, bago at orihinal ang TV offering niya.

Okay lang kung as is, where is ninyo gagawin ang Korean drama pero kapag dumaan na kasi sa pool of writers ninyo ito, sobrang lumilihis sa original version at mas nagi­ging eksaherada sa melodrama, gantihan at kung anu-ano pang subplots.

Pangatawanan ninyo ang pagi­ging ultimate star ni Jennylyn Mercado by giving her an original and ultimate TV project dahil she so deserves it.

2 Responses

  1. PROBLEMA MO IKAW ANONYMOUS WRITER?. PORKE BA ME TITULO XANG ULTIMATE STAR EH DI NA PWEDE SA KANYA ANG MGA REMAKES?. EH ME MGA STARS DIN NAMAN NA GUMAGAWA NG MGA REMAKES?.EH BAKIT UNG KATHNIEL NA IINUTURING NOON NA STARS NG ABIAS EH NIREMAKE NILA UNG PANGAKO SAYO?..AT UNG KOREAN REMAKES TALAGANG ME KONTING PAGBABAGO SA STORY KAPAG NILAPAT NA ITO SA PINOY VERSION. ALANGAN NAMANG 100% NA STORY LINE, SCRIPT AT PAT KILOS NUNG SA ORIGINAL EH GAWIN OR GAYAHIN DIN NILA?.. SHUNGA KA RIN EH NOH..