Jennylyn Mercado
Jennylyn Mercado

HINDI pabor si Jennylyn Mercado sa mainit na pinag-uusapan nga­yon na paglalabas ng listahan ng mga taga-showbiz na gumagamit ng illegal na droga.

Balitang balak isapubliko ng mga awtoridad ang listahan ng drug users sa showbiz.

May ulat pang isasailalim sa matinding surveillance ng PDEA ang ilang showbiz personalities na nakunan ng CCTV na nagpupunta sa isang condo unit sa Mandaluyong na nahulihan ng milyong halaga ng party drugs.

“Siguro, ang view ko lang diyan, kailangang mapatunayan muna natin na talagang gumagamit sila ng drugs, ‘di ba?

“Kasi, ang hirap naman kung idya-judge lang natin sila. Tapos, hindi naman pala totoo.

Unfair din sa kanila,” bulalas ni Jen nang mahingan ng reaksyon ng media sa presscon ng bagong show na ihu-host niya sa GMA na Superstar Duets.

So, para kay Jen ay mas mabuting huwag na lang munang pangalanan ang mga ito?

“Oo. Sana, patuna­yan muna nila o ma-prove muna nila na talagang gumagamit ng pinagbabawal na gamot (‘yung mga nasa listahan nila).”

Medyo natawa lang si Jen at hindi alam kung paano magrereak sa tanong kung anong magiging reaksyon niya sakaling may mga kaibigan at kakilala siya roon sa ilalabas na listahan ng celebs na sangkot sa illegal na droga.

Sang-ayon ba si Jen na magpa-drug test ang lahat ng mga artista?

“O sige, okey lang. Mas okey. Kasi at least, malalaman talaga, ‘di ba? Magkakaa­laman talaga.

“Mas maganda siguro ‘yon kesa pangalanan o i-judge muna bago imbestigahan. Siguro, mas maganda na ‘yung gano’n, na i-test muna,” bulalas ng Ultimate Star ng GMA.

Ang Star Magic ng ABS-CBN ay nagsagawa na ng vo­luntary drug testing para sa 40+ talents ng kanilang network.

Inaasahan na susunod dito ang Kapuso network at iba pang istasyon.

***

Naunsyami ang filmfest movie dapat ni Jen kasama si Coco Martin.

Aniya, may rason kung bakit hindi ito natuloy at isa rito ay dahil priority niya ang GMA.

Kapipirma lang niya ng kontrata sa Siyete at respeto rin sa kanyang home network.

At sa schedule ni Coco ay mahihirapan silang gawin ang pelikula, tapos ay may Vice Ganda pa.

Pero kahapon ay may naka-schedule na pitch in session si Jen with Star Cinema.

May gagawin pa rin kasi siyang pelikula rito, pero iba na ang kapareha, hindi na si Coco.

For next year na ito. So, wala na raw talagang pang-filmfest si Jen this year dahil hindi na keri, lalo na sa bagong deadline ng MMFF.

Ang sabi sa amin ni Jen ay si Piolo Pascual ang gusto niyang makatambal sa Star Cinema.

Parang kinilig pa siya at kinurot kami pagbanggit namin kay Piolo.

Na-excite si Jen at kung sakali ay ma-i-starstruck siya kay Piolo. Tititigan muna niya ito nang matagal, na parang si John Lloyd Cruz nang una niyang makatrabaho si Lloydie na hindi siya makapaniwala.

May gagawin din daw movie project si Jen with GMA Films, hintay-hintay lang siya kung ano ito.

One Response