Jennylyn, niyaya ni Uge na LATIGUHIN si Edu

Edu Manzano at Eugene Domingo

PASABOG ang mga unang episodes sa bagong season ng Celebrity Bluff na magbabalik sa GMA 7 sa dating timeslot nito tuwing Sabado nang gabi pagkatapos ng Magpakailanman.

Mas riot ang bluffers kung saan regular na uupong bluffer si Edu Manzano kasama si Boobay, at meron lang guest bluffer.

Ang isa sa uupong bluffer ay si Alden Richards.

Sa June pa ito magsisimula, kaya hindi lang kami sure kung mauuna itong guest nila na si Jennylyn Mercado kasama si Sheena Halili.

Ang saya ng mga hirit ni Edu Manzano kay Jennylyn lalo na kapag may kina­laman kay Luis Manzano.

Meron isang eksena silang pinakita na nilalatigo ng kababaihan sa Kazakshtan ang mga lalaki.

Biniro ni Eugene Domingo si Jennylyn na niyaya niya itong latiguhin nila si Edu.

Sabi ni Uge kay Jennylyn, “Halika, Jen, gumanti ka! Latiguhin mo si Edu.”

Sabi naman ni Edu, “Basta tayo, Jen, hindi tayo magkaaway!”

Mahaba ang kantiyawan nila sa eksenang iyun habang ngumingiti lang si Jennylyn na hindi umiimik kapag si Luis ang nasasangkot sa biruan.

Tawa lang siya nang tawa habang nagkukulitan sina Edu, Boobay, pati ang guest bluffer nilang si Brod Pete.

Abangan ang pagbabalik nitong Celebrity Bluff sa GMA Sabado.

Nagsimula na silang mag-promote ngayon dahil aalis pa-Italy si Uge para magkita sila ng kanyang boyfriend.