Dadalhin ni Jennylyn Mercado ang pagiging­ “movie romcom queen” sa kanyang bagong serye na “Love You Two.” Magsisimu­la ito sa April 22 sa GMA Telebabad.

Bagong putahe ang ipapatikim niya dahil si Gabby Concepcion ang kanyang leading man sa isang rom-com serye.

Gaganap si Jennylyn bilang Raffy na magpo-propose ng kasal sa kanyang boyfriend. Mapasagot kaya niya ito ng oo?

Ano ang magiging bahagi ng buhay niya sa Kalayaan Hotel?

Makakasama ni Jen sa “Love You Two” sina Solenn Heussaff, Shaira Diaz, Sheena Halili, Jerald Napoles, Kiray Celis, Nar Cabico, Yasser Marta, Michelle Dee, Freddie Webb, Madeleine Nicolas at Joshua Zamora.

Ipinapakilala naman ang bagong Kapuso actor na si Clint Bondad.

Patutunayan nina Jennylyn at Gabby ang kanilang lakas sa romcom genre bilang una nilang pagsasama.

Ang kanilang director ay si Irene Villamor na gagawing first tele-pelikula ang “Love You Two.” Mapapanood na ito sa Lunes pagkatapos ng “Sahaya.” (Roldan Castro)