Jennylyn suportado ang ober da bakod ni Derek

Roldan Castro

tonite-this-is-it-roldan-castroMainit ang pag-welcome kay Derek Ramsay bilang certified Kapuso. Pumirma na siya ng exclusive contract sa GMA Network.

Kasama ni Derek sa pagpirma ang kanyang ina na si Remedios Ramsay, ang manager na si Jojie Dingcong, at Atty. Maria Falcon.

Balik-Kapuso si Derek dahil dati siyang host ng noontime na show “Eat Bulaga.”

“It feels so surreal. During our first meeting, we had a great time. They really looked at who I was and it was all about getting to know me and my family. They understood that this was a big transition for me and gave me the time to prepare my mind and body. I’ve been waiting for this for a long time,” deklara niya.

Excited na rin siya sa bagong yugto ng kanyang career sa GMA-7. “What I noticed sa Kapuso, they always take risks. They don’t just serve the same thing on the table all the time. And that’s the way that I am, I like taking risks. The bigger the risk, the bigger the possible success. It’s gotten me to where I am now. I like challenging projects and that’s what I found here at GMA. I’m working on an new series which I think is very different and very exciting,” sambit pa niya.

Winelcome din si Derek ni Primetime King Dingdong Dantes. “Alam mo dito sa Kapuso, very warm kasi lahat ng tao sa isa’t isa. Para bang hindi trabaho ang ginagawa mo. Para talagang pamilya pero Kapuso. I’m sure he’s gonna look forward to his eve­ry working day here at the Kapuso Network. Finally nandito ka na. Masayang-masaya ako na dininig mo ang sinasabi ng ‘yung puso. So, welcome Kapusong Derek!” bulalas niya.

Masaya rin ang kanyang kaibigan na si John Estrada na magkasama na sila sa Kapuso station.

“Derek is very professional. He comes to the set prepared. He does his homework. Magaling din makipag-joke ‘yan. So, I don’t think anybody or ‘yung mga co-stars ni Derek will really have a hard time dealing with him kasi masarap kasama si Derek. Welcome to GMA. I’m really sure that they will take care of you,” aniya.

Maging si Ultimate Star Jennylyn Mercado ay umaasa na muli silang magkakatrabaho ni Derek sa GMA-7 pagkatapos gumawa ng mga pelikula. “Si Derek sobrang saya katrabaho. Mabigay siya. Kumbaga, tutulungan ka niya sa lahat ng mga eksena. Very friendly din. Iba ‘yung foundation ng friendship namin. Magaan siya katrabaho at very understanding. Sana makatrabaho kita again soon. Good luck sa bago mong show,” lahad niya.

Si Andrea Torres ang unang makakatikim kay Derek dahil magsasama sila sa seryeng “The Better Woman.”