tonite-imo-vinia-vivar
Kumpirmado na ang pagbabalik ni Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado sa Kapamil­ya. Pero bago mag-isip ng kung anuman ang iba, sa Star Cinema lang po siya nagbabalik because she’s doing a movie again for the 2nd time sa naturang produksyon na ipalalabas sa 2019.
Ini-reveal na sa katatapos lang na ABS-CBN’S “Family is Love” trade launch ang pelikulang gagawin ni Jen na may titulong “Heart of Mine” kung saan ay makakasama niya sina Richard Gutierrez and JM de Guzman.
Actually, few weeks ago pa nag-hint ang manager ni Jen na si Becky Aguila na may project na gagawin si Jen sa Star Cinema sa kanyang Facebook account though hindi pa niya kinumpirma at wala pa ring detalye.
It will be Jen’s first movie both with Richard and JM. Na sa tinagal-tagal niyang kasama ang una sa GMA-7 ay ni hindi pa sila nagkasama kahit sa drama series kung ‘di nang minsang mag-guest ang aktres sa serye ni Chard noon.
Ayon kay Tita Becky, sobrang excited ni Jen sa project dahil bukod sa first time nga niyang magiging leading man ang dalawang aktor, napakaganda pa ng mater­yal kaya naman tinanggap nila agad.
Hopefully ay sa December na ang simula ng shoot though hindi pa kumpirmado kung sino ang magdi­direk.
Matatandaang ang ­unang ginawa ni Jen for Star ­Cinema ay ang hit movie na “Just The 3 of Us” with John Lloyd Cruz in 2016.
For sure ay marami na naman ang magtatanong kung may balak bang lumipat si Jen sa Kapamilya network, pero uunahan na namin kayo sa sagot.
May existing exclusive network contract ang Ultimate Star sa GMA-7 at lagi niyang sinasabi na sa nga­yon ay walang-wala sa isip niya ang lumipat ng istasyon. She’s been a loyal Kapuso artist for 15 years now simula nang manalo siya sa StarStruck Season 1 noong 2003.