Jennylyn todo tanggol sa Dos

NI: ROLDAN CASTRO

Nakipaglaban si Jennylyn Mercado para sa pinagdadaanan ng ABS-CBN kahit isa siyang Kapuso artist.

Mababasa sa kanyang FB page: “With all the negativity that is happening in social media, let us all remember to respect each other. All our opinions are valid. Just because you disagree with the opinion of others, doesn’t give you the right to belittle or make fun of anyone.

“Our enemy is not each other, but the virus.”

May nag-comment na netizen ng “ya the virus not the drama of abs cbn artista. Ampalaya ako bakit ba?”

Niresbakan ito ng aktres.

“Pasensya na po. But you are missing the point. What if you put yourself in their position? Wag po natin gawin katawa tawa ang pinagdaraanan nila. Mali po yun.”

May magkahiwalay pang post ang tinaguriang Ultimate Star.

“Pag sinabing “No one is above the law”, dapat siguraduhin na lahat.

“If anyone violates any guidelines, dapat mabigyan sila ng karapat dapat na parusa na nauukol sa batas, regardless of their position, power, or political influence.

“Lahat tayo ay pantay pantay.”

May babala rin siya sa kanyang mga follower sa FB page na basher ng ABS-CBN shutdown.

“People who comment like this are not welcome in this page.

“Bilang tao, dapat nagtutulong tulong tayo na iuplift ang isa’t isa lalo na ngayon na may pinagdadaanan tayong krisis. Hindi yung pagtawanan o ibash ang kapwa.

“Yan ang unang tinuro sakin ni Mama Lydia ko, ang maging mabait sa kapwa.

“No one has any right to be mean to any other human being.

“Nakalimutan na ba natin maging makatao?” deklara pa niya.