Masaya ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa kanyang cooking show na Everyday Sarap with CDO.

Magsisimula na ito sa Agosto 7 sa GMA News TV.

Bago ang concept at mas maraming CDO pro­ducts ang kanyang lulutuin sa programa.

Hilig ni Jennylyn ang magluto at mag-bake kung wala siyang taping o shooting.

Ani Jennylyn, “Yung pagbe-bake, love na love ko ‘yun. Parang therapy sa akin ‘yung nagme-measure, nagmi-mix…

“Kaya enjoy ako sa show na ito, kasi, madami akong natututunan. At least, pag uwi ko, may bago akong alam.”

Ang Ultimate Star ang naghahanda ng pagkain ng anak na si Jazz kapag may free day siya.

***

SINA Benjamin Alves at Fabio Ide ang magsasabong sa Lip Sync Battle Philippines ngayong gabi, pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA.

Magkaibigan ang dalawa sa totoong buhay, pero magtatagisan sila kung sino ang mas astig sa lip sync-an.

Matutuwa ang fans sa Justin Bieber number ni Benjamin sa round 1, na sasagutin ni Fabio ng isang OPM novelty number.

Sa round 2 ay tatawag ng back up ang Brapanese hunk. Dalawang hot guys ang sasama sa kanya para sa isang nakapag-iinit na payanig.

Hindi magpapakabog si Ben na all out ang pagka-pop princess.

***

Naunang magpasiklab ang Metro Hunks (ni Ronald Mendoza Cristobal), Shobilicious Men (ni Shobi Dionela) at Elite Centerfold (ni Karla Jalandoni) sa Last Man Standing 2016 sa One 690 (#39 Roces Av., QC).

Mamayang gabi ay magpapakitang-gilas naman ang MEN OF ASIA (ni Leklek Tumalad, 0927-488-6886).

“Tsalap-tsalap! Pogilicious ang line-up!” bulalas ni Nympha Osmeña.

***

May mall show ang cast ng Kapuso drama series na Sa Piling ni Nanay bukas (Linggo) nang 5:00 PM sa SM City San Jose del Monte (SJDM), Bulacan.

Magpapasaya sa fans sina Yasmien Kurdi, Mark Herras at ang hitod na si Antonio Aquitania.

***

Excited si KZ Poe sa King of the Notes bukas (Linggo) nang 9:30 PM sa White Bird Entertainment Bar, #715 Boulevard Galleria, Roxas Blvd., Baclaran, Parañaque City.

For reservation and inquiries, maaaring tumawag sa tel.# 851-2088 o 851-2089.

Bonggacious ang mga pasabog sa palabas, ayon kina Gretta Locca (0929-128-2504) at GELLIE IMPERIAL (0921-557-1113).

***

Sa Martes (Hulyo 26) na ang FHM 100 Sexiest sa Valkyrie, BGC, Taguig City.

Ang tema ng event ay HOLLYWOOD.

4:00-6:30 PM ang autograph signing sessions ng ilang sexy celebrities.

9:00 PM ang BY-INVITATION-ONLY party para sa press, advertisers, partners at readers.

Mas intimate ito!

***

Mabenta ang libro ni Alden Richards.

“Nandu’n po ‘yung bits and pieces po ng mga detalye ng buhay ko. Mayroong special page po du’n for MaiDen,” sey ni Alden.

Abangan ang book launch ng libro next month.