WALANG kaso kay Jennylyn Mercado na hindi natuloy ang planong pagtatambal sana nila ni Alden Richards sa gagawin ng GMA na Pinoy adaptation ng Korea­novelang My Love from the Stars.

“Okey lang. Kasi, mahirap ‘pag pinilit natin, eh. Mas maganda kung ma­ging patient lang at hintayin na lang natin kung ano ‘yung mga puwede pang mangyari,” sambit ng pambatong aktres ng Siyete.

Nanghinayang ba siya na naudlot ang pagsasama dapat nila ni Alden?

“Siguro, wala lang talaga siya sa timing,” maiksing sagot ni Jen, na naniniwalang malakas talaga ngayon ang loveteam ni Alden kay Maine Mendoza kaya tama lang na mag-stick muna ito roon.

Wala pang balita si Jen tungkol sa na­sabing teleserye, pero ang alam niya ay patuloy sa pagpapa-audition ang GMA.

Wala siyang personal choice kung sinuman ang gusto niyang makapareha rito.

May tiwala siya sa GMA at kung sino man ang pipiliin ng network ay tatanggapin niya.

Habang wala pang teleserye ay host-host muna ang peg ni Jen.

Happy siya na napili siyang mag-host ng newest celebrity singing competition ng GMA na Superstar Duets dahil ang saya ng mga kasama niya rito.

May kanya-kanyang karakter ang walong celeb contestants na sina Mike ‘Pekto’ Nacua, Joross Gamboa, Jerald Napoles, Nar Cabico, Rita Daniela, Denise Barbacena, Divine Grace at Osang.

Natatawang tsika ni Jen, si Joross ay walang ginawa kundi mambasag. Si Jerald ay laging may side comments.

Si Pekto ay may mga ganu’ng hirit din, kaya no dull moments sa set.

Solo host si Jen ng Superstar Duets kaya aminado siyang natakot siya dahil hindi niya gamay ang hosting.

Pinag-hosting workshop siya ng GMA at inalalayan siya ng director nilang si Bert de Leon para maging komportable siya sa flow ng show.

Parang breaker ito sa mga ginagawa ni Jen na usually ay soap opera. Mas nererelaks siya rito dahil nagsasalita lang siya, walang masyadong effort.

Nakiki­pag-usap lang siya sa contestants, hindi niya kailangang umiyak o sampalin kay mas madali sa kanya ang show.

Pawang ‘international superstars’ ang makaka-duet ng 8 celeb contestants every week, na pabawas nang pabawas ang mga ito.

Ngayong gabi na ang simula ng Superstar Duets sa GMA pagkatapos ng Magpakailanman.

One Response