FEELING ni Je­rald Napoles ay close na sila ni Piolo Pascual after ng one week nilang shooting ng Regal movie na Once in a Lifetime sa New Zealand.

Ang saya ng shoot nila, sabi ni Je, at para sa kanya ay isa si Pio­lo sa pinakamabait na nakatrabaho niya. Good soul ang aktor.

Sa isang linggo nila sa wintery NZ ay natuklasan niyang sobrang accommodating ni Papa P at sobrang professional.

Nauuna pa ito sa set dahil ‘pag bihis na ito ay pumupunta na agad sa set nila.

Wala silang gimik sa NZ dahil ang lamig doon ngayon, so after ng shoot ay uwi na sila.

Pero minsan ay nanlilibre ng pagkain si Papa P.

Binalisawsaw roon si Jerald sa sobrang lamig. From the airport kasi ay diretso siya sa snow farm at iba ang yelo sa tuktok ng bundok.

Ayun, ayaw lumabas ng wiwi niya, na-stuck. Tapos ay ‘umurong’ si Junjun.

Kaya nagpainit siya sa pag-inom ng kape at ng mainit na wine na ang tawag ay mulled wine.

‘Yun ang iniinom nila roon ni PJ.

Ang taray ng Kapuso comedian, in demand!

Bukod sa movie nila ni Piolo, kasama rin siya sa Enteng Kabisote 10 and the Abangers bilang isa sa Abangers, ang superheroes na kakampi ni Vic Sotto bilang Enteng.

Regular si Je sa Sunday PINASaya, na nga­yon ang simula ng 2-part 1st anniversary celebration.

Isa sa guests nila today sa SPS si Maine Mendoza bilang DJ Mae, na nasa competing network ni DJ Bae na karak­ter at segment ni Alden Richards.

Isa rin si Jerald sa 8 celebrity contestants ng Superstar Duets na nagsimula kagabi sa GMA.

Sa mga magkakatunggali ay bilib si Je­rald kay Nar Cabico dahil ang galing nitong kumanta.

Ilang years na silang magkaibigan ni Nar (dahil pareho silang produkto ng musical theater) at gusto niya itong makilala ng mga tao bilang isang singer.

Aniya, puwedeng mag-audition si Nar sa Asia’s Got Talent, ganu’n ito kagaling kumanta.

So, singing-wise ay medyo tagilid silang lahat kay Nar dahil ang husay nito.

Sey pa ni Je, hindi singer si Joross Gamboa pero competitive ito.

Si Mike ‘Pekto’ Nacua ay revelation dahil ang taas daw ng boses nito.

Siya, ang edge niya ay baritone siya at balladeer na pa-cute. ‘Cute’ siya kaya may mga nabubulag at binibigyan siya ng projects.

Wala raw dyowa ang feeling yummy hunk na si Jerald, harut-ha­rot lang!